mysteriouslay Karenza Agape

Siya si Xatana, isang matalino, mayaman, maganda at lahat ng gusto nito nakukuha nya. Nakuha nito ang mga gusto nya pero may kulang. Yun ay ang pagmamahal, ngunit ang pag-asa nito na sumaya ay kabaliktaran pala. Sa kanilang magkakaibigan, hindi na ito naniniwala sa true love? Forever? Happy ending? Destiny or destruction? Ayaw na nitong magmahal tapos sa huli ay masasaktan ngunit nang makilala nito ang isang lalaki ay natakot ito. Na baka sa huli ay masasaktan ulit siya. Ano nga bang kapangyarihan ng pag-ibig? Anong kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Anong kaya mong isakripisyon para sa kanya? "I'm not upset that you lied to me, I'm upset because from now on I can't believe you."


Романтика Молодой взрослый романс 18+. © 2021

#inkspiredstory #secretary #arrangemarriage #Ceo #multiplecouple #tagalog
0
1.5k ПРОСМОТРОВ
В процессе - Новая глава Every 2 days
reading time
AA Поделиться

CHAPTER 1

XATANA'S POV


"Estella ano? Tutunganga ka na naman dyan?"


Agad na bunganga ni Van ang narinig ko pagkalabas ko ng kwarto ko. Hinayaan ko lang silang magsigawan d'yan. Mapapagod rin naman sila diba?


Bumaba na ako sa may hapagkainan at doon nakita ko si Ria na nag-aayos ng pagkain namin.


'Anong oras na ba?' Tanong ko sa isipan ko.


"Van and Stel, bumaba na kayo at kakain na dito. Umagang-umaga ang ingay nyo!"


Sigaw ni Ria doon sa dalawang maingay na nasa taas.


Tsk, silang dalawa lang naman ang mahilig magdaldalan na akala mo malayo sa isa't isa.


"Osha ito na, pababa na kami!"


Sigaw rin ni Stel at pababa na silang dalawa, doon naman si Van sa likod ni Stel na nakasunod lang sa pagbaba nito. Umupo na kaming apat pagkababa nila. Nagugutom na din ako, hayst.


"Oh Ria, ikaw talaga ang kusinera dito sa ating Apat."


Bigla namang tumawa itong si Van sa sinabi nito kay Ria.


Ngayon dito naman sila nag usap-usap sa may pagkainan namin kasama na si Ria. Habang maiingay sila, magpapakilala na muna ako.


Hello, I'm Xatana Lockwood. Nothing to say about me or describe myself. Basta tao ako at nakakahinga ok na yun right?


"Xat, ang ingay mo talaga, grabe!"


Tsk, sarcastically saying?


Paninimula ni Van sa akin. Matagal na akong tahimik. Nothing to explain. Tamad ako mag explain.


"Hayaan mo na sya Van, hindi ka pa ba nasanay sa babaeng yan. Daig pa lalaki kung maging tamad magsalita."


Bigla namang sumeryoso ang mukha ko sa sinabi ni Ria na nakita naman ni Stel.


"Kung ako sa inyo, hindi na ako magsasalita."


Tumingin naman ako kay Stel sabay titig ko doon sa dalawa. Umiwas naman sila ng tingin sakin.


Matapos ng kadaldalan nilang yun ay nag ayos na kami ng pinagkainan naming apat.


Mga ilang minuto ay kinuha na namin ang mga gamit namin. Magkakatabi lang ang mga gamit naming apat, nasa may lalagyanan lang naman namin.


"Let's go girls! Kailangan na nating magtrabaho. Mamaya kita-kita na lang tayo, same park ok?"


Masiglang sabi nito t'yaka naman kami tumango.


Nagsimula na kaming pumunta sa mga rutang daraanan namin papunta sa trabaho namin.


Ito nga pala ang unang araw namin sa trabaho na pinasukan namin. Sana kayanin naming apat lalo na ngayong magkakahiwalay kami ng papasukang trabaho.


Patuloy lang ako sa paglalakad. Buti pa sa akin walking distance lang, kayang-kayang lakarin. Hindi ko lang alam sa tatlong yun. Hindi naman nila sinasabi kung na saan ang lugar ng trabaho nila. Hmmm, balang araw makikita ko rin naman kung saan yan.


Sa ilang minutong paglalakad ko ay nandito na ako sa tapat ng pintuan kung saan ako magtratrabaho.


Yes, ito na Xatana. Ready na ako!


Binuksan ko na ang pintuan at laking gulat ko ng makita ang loob ng gusali na ito. Ang ganda dito, masyadong maayos ang lugar at talagang pinag-isipan ang lahat dito. Maluwag pa.


"Uhm Miss, ano pong kailangan nyo? Kung kay Mr. CEO po ay mamaya pa po ang meeting nyo sa kanya."


Nagulat ako ng biglang sumulpot ang babaeng ito sa hindi ko alam na lugar kung saan s'ya nanggaling.


"Hindi ako nandito para sa meeting, nandito ako para magtrabaho. Hello, I am Xatana Lockwood, nice to meet you."


Pagpapakilala ko naman sa kanya.


"Ayy sorry! Akala ko isa kang business partners ni Mr. CEO. Hello and sorry, I'm Drixie, secretary of Mr. CEO. Nice to meeting you too."


Nilahad nito ang kanyang kamay at tinanggap ko naman ito.


"Iniintay ka na ni Mr. CEO, akala ko nga baka ma late ka pa, ayaw pa naman nya ng late. Goodluck Ms. Lockwood."


"Thank you Ms. Drixie, aakyat na ako."


Tumango na lamang ito t'yaka naglakad na palayo. Ngayon paakyat na ako kung saan ang office ng CEO dahil naroroon daw s'ya.


Pagkarating ko sa Office nito ay kumatok na ako.


"Come in."


Narinig ko naman ang isang boses lalaki sa kabilang kuwarto.


"Hello Mr. CEO, I'm Xatana Lockwood."


Pagpapakilala ko sa sarili ko.


"Hmmm, my Chief Secretary, right?"


"Yes Sir, I am your Chief Secretary Lockwood, Sir."


"That's great. You're not late today Ms. Lockwood."


Ang haba ng intro ah? Pft, kidding aside. Pero teka saan kaya ang office ko as Chief Secretary?


"Where's my office, Sir?"


"There, if I call you malapit ka lang dito sa tabi ko so hindi ako mahihirapan at hindi ka matatagalan pumunta dito. By the way, ngayon ang umpisa mo right?"


"Yes, Sir."


"Give me my coffee."


"Yes, Sir."


Nagpaalam na ako sa kanya at nagtungo na sa lugar kung saan daw ang office ko. Umupo na ako at inayos ang mga papel na nakalagay dito sa desk ko.


Ilang sandali lang ay may kumatok sa pintuan at pumasok dito ang isang magandang babae na kinulangan sa tela. Tsk, pakitang kaluluwa in short.


"Hi Babe!--ohh who is she?"


Malanding boses nito. Tsk, a bitch as usual. Nakakainis, makakuha nga muna ng kape.


Umalis muna ako sa office para kumuha ng kape.


"Can you please Crimercia, I'm busy."


Naiiritang sabi ni Mr. CEO, kasi naman nakakairita sa sobrang landi ng higad na'to tsk!


I know kung anong gusto ni Mr. CEO dahil binasa ko mga background niya. Hindi naman masama right?


"Tell me, who is she?!"


Sumigaw na yung babae at itong si Mr. CEO nagpipigil na. Halata sa pagkuyom ng kamao nito na nagpipigil s'ya.


"Get out Crimercia!"


Sumigaw na rin si Mr. CEO at hinampas pa nito ang lamesa n'ya kaya nagulat ang babae.


Hayst, pumunta na ako sa office dahil sa sobrang lakas ng boses nung babae. Nakakairita na, sarap takpan ng uling.


Lumapit ako kay Mr. CEO at ibinigay ang kape dito. Matapos no'n ay lumapit ako sa babaeng ito. Pinakatitigan naman ako nito ulo hanggang paa. Napansin din nito na matangkad ako sa kanya. Ilang inches lang ang ikinatangkad ko.


"Sorry pero sinabi na ni Mr. CEO na lumabas na daw kayo Ma'am."


Mahinahong ani ko sa kanya, kaso hinarap naman n'ya ako at sinigawan.


"Anong akala mo sakin susunod ako sayo?! Baka hindi mo kilala kung sino pinagsasabihan mo?!"


Nagwawala na sya sa galit dito sa loob ng office ni Mr. CEO.


"Sorry but not sorry Ma'am. hindi ko naman ata kailangang kilalanin ka pa. Depende kung amo kita at mataas ka sakin para kilalanin kita."


Susugurin na sana ako ng babaeng ito pero humarang na si Mr. CEO at pinigilan sya.


"Ipapakilala ko ang sarili ko sayo babae! Ako si Crimercia Lee, ang mapapangasawa ni Granger Hunt! At ikaw kutong lupa lumapit ka sakin ng matikman mo hinahanap mo!"


Nagpupumiglas s'ya kay Mr. CEO dahil pinipigilan s'ya nito na sugurin ako. Nagulat na lamang ako ng biglang itulak ni Mr. CEO ang babae kaya nakalayo s'ya sa amin.


Lumapit si Mr. CEO sa aking tabi at humarap doon sa babae t'yaka nagsalita.


"Wala akong alam na may mapapangasawa ako na isang katulad mo Ms. Lee, umalis kana dito!"


Nagdadalawang isip pa ito kung aalis ba sya o hindi.


"Ito ang tandaan mo babae! Oras na malaman ko kung sino ka. Kung ano yang pinagmamalaki mo. Magugulat ka na lang kinalaban mo ang isang Lee! I will make your life miserable hanggang sa magmakaawa ka, remember that!"


Tyaka sya umalis ng padabog dito sa office.


Peste s'ya! Unang araw bwinibwisit ako?!


"Sorry Mr. CEO, dapat tumawag na lang ako ng security para mapadali. Naistorbo pa tuloy kayo sa ginagawa nyo. Sorry Sir."


Pagpapaumanhin ko, baka kasi tanggalin ako dito. Unang araw pinaalis agad? Anong sasabihin ko sa tatlong yun diba?


"Nothing to worry about and don't say sorry. Ginawa mo lang kung anong dapat."


Natuwa naman ako sa sinabi nito.


"Salamat Sir. Babalik na ako sa trabaho ko."


Bumalik na ako sa desk ko at doon ginugol ko ang mga oras ko sa mga papers na nakatambak at mga questions ng mga kasamahan ko. Buti sanay na ako sa mga ganito.


Natapos na ang trabaho ko at nag-aayos na ako para makauwi sa tinutuluyan naming magkakaibigan.


"Ms. Lockwood, good job."


Biglang sulpot ni Mr. CEO tapos deretyo alis na s'ya.


'Good job daw?'


Natanong ko na lang sa aking sarili.


'Makauwi na nga lang, hindi na ako makakapuntang park"


Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng office tapos bumaba na ako at lumabas ng building.


Maglalakad lang naman ako, malapit lang sa tinitirhan naming apat.


Nagsimula na akong maglakad pauwi sa amin. Matapos ang 15 minutes ay nakarating na rin ako.


"Hello girls!"


Pagbati ko sa kanila na ngayon ay nasa may tapat ng gate namin.


"Ohh, kauuwi mo lang rin pala Xat."


Si Ria nagsabi n'on. Mukhang parehas kaming apat kararating lang dito. Parehas kami ng mga oras sa trabaho?


"Oo nga, kararating nyo lang rin pala. Sige na tulungan kita Ria para makakain na tayo mamaya. Gabi na, anong oras na tayo makakakain nito."


Ani ko, si Ria lang kasi ang tiga-luto dito sa aming apat.


"Hindi ko akalain na magkakatulad ang mga oras natin."


Tumawa na lamang kami sa sinabi ni Stel.


"Deretyo muna tayo sa mga kwarto natin para makapag bihis."


Tumango naman kaming tatlo sa sinabi ni Ria.


Unang araw palang namin ngayon sa mga trabaho namin. Ok naman ang nangyare sakin, sa kanila kaya kamusta?


Umakyat na kaming Apat sa mga kuwarto namin upang magbihis at mag-ayos na rin para makakain kami mamaya.


Naghugas muna ako ng pinagkainan na hindi nahugasan kaninang umaga. Si Ria naman ang magluluto ng kakainin namin. Si Stel naman ang bahalang maglinis dito sa baba para bukas onti na lang ang maililinis kapag nakauwi ulit kami. Si Van naman ang bahala sa taas, sa mga kwarto naming Apat. Para mamaya bago matulog ay nakalinis na ito at wala ng problema.


"Siguro bukas at sa susunod ganito ang gagawin natin. Tutal sabay-sabay naman ang uwi natin."


Suggest naman ni Ria sakin habang nagluluto sya.


Ako itong naghuhugas ng plato. "Alam mo Ria, ganun at ganun lang rin naman talaga ang mangyayare. Sana nga kayanin natin na ganito ang schedule natin."


Hindi na rin naman s'ya nagsabi ng kung ano pa. Natapos na ako sa paghuhugas t'yaka naman ako nagtungo sa hapagkainan namin upang mag-ayos na ng kakainin. Sa plato pa lang naman t'yaka na yung sa mga pagkain.


"Oh girls ok na, bumaba na kayong dalawa d'yan at kakain na tayo!"


Pagtawag naman ni Ria kina Van at Stel. Tinulungan ko naman si Ria na maghain na ng mga pagkain dito.


"Yes, kakain na. Saktong katatapos ko lang maglinis."


Masayang ani nitong si Stel.


At dahil sa nandito na kaming lahat ay kumain na kaming apat. Habang kumakain ay nag-uusap silang tatlo. Tahimik naman akong kumakain dito.


Napagod ako sa office ni Mr. CEO, grabeng araw to. Unang araw may nakaaway agad ako, pero wala naman akong pake sa mga huling sinabi nya. Hindi nya ako matatakot, kung sino man sya ay wala akong interest na malaman pa.


Natapos na akong kumain kaya nagpaalam na ako sa kanila na matutulog na ako sa k'warto ko.


"Pagod ka tama ako? Sige na, magpahinga kana."


'Haynako sinabi mo pa Van.' Tanging naisip ko na lang sa sinabi ni Van.


"Sige, salamat. Matulog na rin kayo, may pasok pa tayo bukas."


Nagsitanguan naman sila sa sinabi ko.


"Huwag kang mag-alala, matutulog din kami." -Van


"Oo nga, magpahinga ka na lang para bukas masigla ka." -Stel


"Sige, good night na girls. Sweet dreams." -Me


"Good night and sweet dreams din!" -silang tatlo nagsabi.


Umakyat na ako sa kwarto ko at pumasok na sa loob.


Nakita kong maayos naman ang kwarto ko. Salamat talaga kay Van.


Oras na para matulog na ako. Ano naman kaya ang mangyayare sakin bukas? Well malalaman ko naman yan bukas.


Good night readers, see you in dream land!

17 октября 2021 г. 11:10 0 Отчет Добавить Подписаться
1
Прочтите следующую главу CHAPTER 2

Прокомментируйте

Отправить!
Нет комментариев. Будьте первым!
~

Вы наслаждаетесь чтением?

У вас все ещё остались 1 главы в этой истории.
Чтобы продолжить, пожалуйста, зарегистрируйтесь или войдите. Бесплатно!

Войти через Facebook Войти через Twitter

или используйте обычную регистрационную форму