key_panda Ash Villaruel

"Kung alam ko lang na ganito pala kasakit 'yung mararamdaman ko edi sana hindi na 'ko nagpadala sa kuryosidad na alamin ang sikreto ni ate Syrene" ••• 13 years old pa lang si Lera ay may crush na siya sa girl bestfriend ng kaniyang ate Ashayra. Makalipas nga ang dalawang taon na hindi nila pagkikita ni Syrene ay muling itong nagbalik. Noong una ay maayos pa ang lahat sa kanilang dalawa ngunit bigla din 'yong nagbago dahil sa mga kakaibang ikinikilos ni Syrene na nakapagpagulo at nanakit sa damdamin ni Lera.


LGBT+ Tout public.

#girlslove #love #teens #goodgirl #shy #teenfiction #secrets #lgbt #crush #highschool #lesbian #romance
0
1.3mille VUES
En cours - Nouveau chapitre Toutes les semaines
temps de lecture
AA Partager

Chapter 1

"Good morning ate!"


Malakas kong hiyaw pagpasok ko sa pintuan ng kuwarto at kaagad na inalis ang kumot na nakabalot kay ate Shayra. Natawa naman ako dahil bigla siyang napamulat ng mga mata at kaagad na naupo sa kama, kinusot-kusot niya pa ang kaliwa niyang mata habang humihikab bago nagbaling ng tingin sa'kin kaya mas lalo akong natawa.


"Lera naman eh! Ang lamig, akin na 'yung kumot ko" pagrereklamo ni ate pero umiling-iling ako bago itago ang kumot sa likuran ko.


"Ibibigay ko lang sa'yo 'to ate kapag tumayo ka na d'yan" sabi ko. Alam ko kasi na kapag ibinigay ko 'yung kumot habang nakaupo siya sa kama at halatang inaantok pa ay matutulog ulit 'yan.


"Okay, eto na tatayo na" inaantok na sabi ni ate Shayra at tsaka tumayo. Ako naman ay nagdadalawang-isip pa kung ibibigay ko ba talaga ang kumot sa kaniya o hindi.


"May usapan na kayo baby Lera---"


"Waaaahhhh!"


Hindi na naipagpatuloy pa ni ate Syrene ang sasabihin niya dahil sa biglaang pagsigaw ni ate Shayra. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nung babaeng nakatayo sa may pintuan nang makita ang reaksiyon ni ate bago tumingin sa'kin.


"Sige, ibigay mo na" nang marinig ang mga salitang 'yon ay dali-dali akong tumango at sinunod ang sinabi ni ate Syrene. Ibinigay ko kay ate Shayra ang kumot at napansin ko na hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin siya sa mga nakikita.


"P-paano ka napunta dito?" nagtataka at naguguluhan niyang tanong bago itinuro si ate Sy.


"Mimiya ka na magtanong d'yan" tugon naman ng magandang babae sa may pintuan.


"Maligo ka na Ashayra at magbihis na rin dahil kanina pa kami nila Shea naghihintay sa'yo doon sa baba" pagpapatuloy ni ate Sy kaya mas lalong napaawang ang labi ng ate ko na para bang hindi makapaniwala sa mga narinig.


"N-nandito rin si Shea?"


"Oo, tinulugan mo daw kasi siya kaninang 12 am eh monthsary niyo na diba? Kaya sobrang aga niyang nagpunta dito. Mukhang susuyuin mo pa 'yon kasi mukha siyang nagtatampo kaya pakibilisan ang pag-aayos ha" iiling-iling na pagpapaliwanag ni ate Syrene kaya natawa ako.


"Ah ganun ba? Pasabi na lang kay Shea sorry hehe"


Nakangiwing saad naman ni ate Shayra at uupo pa sana siya sa kama pero sinamaan na siya ng tingin nung kaibigan niyang nasa may pinto kaya kaagad na umayos ng tayo ang ate ko bago nagsalita.


"Eto na nga eh maliligo na" nagmamadali niyang sabi at pumasok dun sa isa pang pinto.


Nang tuluyan na ngang mawala sa paningin namin si ay kaagad ulit na tumingin sa'kin si ate Syrene, ako naman ay medyo napayuko pa dahil naramdaman ko ang pamumula ng magkabilaan kong pisngi. Mas lalo pa nga akong namula nang makitang naglakad siya palapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko.


"Tara na"


Nahihiya akong tumango-tango kaya hinila na'ko ng babaeng mas matanda sa'kin palabas ng kuwarto at magkasabay na nga kaming bumaba.


•••


Makalipas ang halos isang oras na paghihintay ay bumaba na rin si ate Shayra. Sila ate Shea nga na kanina pa inip na inip ay nakahinga na ng maluwag dahil sa wakas ay nandito na rin ang taong kanina pa namin hinihintay.


Ibinaling ko na lang muna ang tingin sa mga kasama namin.


Sila kuya Franco at kuya Kristoff ay may kung anong pinag-uusapan, ewan ko kung ano 'yon pero masyado kasi silang seryoso kaya syempre hindi na 'ko makikichismis.


Si ate Shea ay napansin kong kausap na si ate Shayra na ngayon nga ay nakaupo na sa kaniyang tabi kaya alam kong nawala na ang pagkainip niya kanina, kami naman ng katabi kong si ate Syrene ay hindi nagsasalita sa isa't-isa. Nababalot kami ng katahimikan pero kahit naman ganon ay komportable ako at hindi naman awkward 'yung katahimikan kahit 'di kami nag-uusap.


Siguro sa ngayon ay maghihintay na lang kami ng ilang minuto hanggang sa matapos na 'yung mga kasama namin sa pinag-uusapan nila para sabay-sabay na kaming makapasok sa schoo---


"Hindi pa ba kayo tapos?" naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang naiinip na tanong ni ate Syrene sa mga kaibigan niya.


Napatawa naman ako ng mahina.


Sa totoo lang, okay na okay sa'kin kahit mimiya pa sila matapos sa mga pinag-uusapan nila kasi ayaw ko rin namang pumasok sa school ngayon dahil kay Astrid. Classmate ko siya at ewan ko ba kung bakit pero palagi na lang kasi siyang nakikikopya sa gawa kong mga assignment.


Kasalanan ko rin talaga 'yon kasi palagi ko siyang hinahayaan na kumopya. Alangan naman kasing hindi ko ibigay 'yung notebook ko kay Astrid, edi nagalit pa siya sa'kin? At ang mahirap lang sa lahat ay baka ako naman 'yung pagtripan nila ng mga kaibigan niya kaya ano pa bang magagawa ko?


"Lera" natigil ulit ako sa pag-iisip at kaagad na tumingin kay ate Syrene.


"Po?" takang-tanong ko.


"May problema ka ba? Ang lalim kasi yata ng iniisip mo kani-kanina lang" nag-aalalang tanong ng katabi ko kaya napangiwi ako at napakamot sa batok.


"Pinoproblema ko lang po si Astri---" kaagad naman akong napatakip ng kamay sa labi nang marealize ang balak kong sabihin habang nanlalaki ang mga mata.


"Astri?" tanong ulit ni ate Sy habang nakataas ang isang kilay.


"W-wala po" nauutal-utal ko namang sagot matapos tanggalin ang pagkakatakip ng kamay ko sa'king labi.


"Lera" seryosong sabi na ngayon ni ate Syrene kaya napangiwi ako at wala nang ibang nagawa kundi ikuwento ang lahat-lahat sa kaniya.


Matapos kong sabihin ang mga ginawa ni Astrid ay napansin kong 'di na maipinta ang mukha ng aking katabi.


"Kilala ko 'yon kaya ako nang bahala mimiya"


Naguguluhan naman akong napatitig sa magandang babae bago nagsalita.


"Kilala niyo talaga 'yung Astrid na tinutukoy ko?" nagtataka kong tanong na tinanguan ni ate Sy bilang sagot.


"Eh ano 'yung sinasabi niyo na ikaw na ang bahala mimiya?" dagdag ko pang tanong na ikinatawa ng katabi ko.


"Sasamahan kita papunta sa room niyo at kakausapin 'yung pinsan ko. Pagsasabihan ko lang na 'wag nang mangongopya sa'yo"


Nang marinig ang mga salitang 'yan ay kaagad na nanlaki ang mga mata at napaawang ang labi ko.


"P-pinsan niyo po si Astrid?" nauutal kong tanong kaya tinawanan niya ulit ako.


Sa ngayon nga ay medyo nahihiya na talaga ako kay ate Syrene dahil hindi ko man lang napansin ang pagkakapareho ng apelyido nila nung kaklase kong babae rin.


"Ang cute mo naman mahiya sa'kin" narinig kong mapanuksong sabi niya kaya nanlaki na naman ang mga mata ko.


Nasabi ko ba ng malakas 'yung mga iniisip ko?


Nang marealize ko 'yon ay kaagad na namula ang magkabilaan kong pisngi at nag-iwas ng tingin kay ate Syrene na hanggang ngayon ay tawang-tawa pa rin.


"Huy anong nangyari sa inyong dalawa?" biglang napatigil ang katabi ko sa pagtawa dahil biglang nagtanong si kuya Franco at ako naman ay napayuko dahil ayokong makita niya ang namumula kong mga pisngi.


"Oh Lera 'wag ka nang yumuko d'yan at tayo'y aalis na. Tapos na kaming lahat mag-usap kaya tara na bago pa tayo maging late"


Tumango-tango ako at nag-angat na nga ng tingin pero kaagad ko ring pinagsisihan 'yon dahil nakatingin na pala sa'min sila kuya Kristoff, ate Shayra at ate Shea.


"Pfft. Lera namumula ka ah" mapanuksong sabi sa'kin ni ate Ashayra kaya sinamaan ko siya ng tingin pero nagpatuloy pa rin 'to sa pang-aasar.


"Syrene anong ginawa mo sa kapatid ko?" tanong ni ate at naramdaman ko naman ang pag-akbay sa'kin ng katabi aking katabi kaya mas lalo akong namula.


"Tingnan mo mas lalong namumula 'yang baby Lera mo oh" sabi ulit ng kapatid ko at tsaka natawa kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.


"Ate naman eh!" malakas kong hiyaw kaya nagsipagtawanan na ang lahat lalong-lalo na si ate Syrene na hanggang ngayon ay nakaakbay pa rin sa'kin.


"Oh siya tama na 'yan" biglaang sabi ni kuya Franco.


"Tumayo na kayong lahat d'yan at tara na sa school dahil 6:18 na at 12 minutes na lang meron tayo para makarating don" tumango-tango naman kami at nakaready na ang lahat kaya nagsimula na kaming sumakay sa jeep para maihatid kami sa school.


•••


Mabilis kaming nakarating sa gate ng school at sabay-sabay kaming bumaba sa sasakyan. Naunang pumasok sila kuya Kristoff at kuya Franco dahil nandoon na daw sa room nila 'yung teacher, sumunod naman sila ate Shea at ate Shayra samantalang kami ni ate Syrene ay naiwan dito sa may labas. May kung sino pa siyang tinitingnan sa paligid kaya kinuhit ko na at tsaka nagsalita.


"Hindi pa po ba tayo papasok?"


"Ayy sorry may tiningnan lang ako" nakangiti niyang sabi sa'kin bago magpatuloy.


"Tara, pasok na tayo" tumango-tango naman ako kaya sabay na nga kaming naglakad papasok sa gate at nakakailang lakad pa lang kami nang mapansin ko na muling napatingin sa'kin si ate Syrene.


"Malapit na ba room niyo?" tanong niya.


"Opo" sagot ko naman at pagkatapos non ay natahimik na kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa pinto ng room.


Napatingin ako sa'king katabi at naalala kong kakausapin niya nga pala si Astrid kaya hinawakan ko ang kamay niya bago nagsalita.


"Tara po sa loob" sabi ko na tinanguan niya at nang makapasok na nga kami sa room ay kaagad na nilapitan ni ate Syrene ang kaklase kong babae na ngayon ay nakaupo. Napaangat naman ng tingin si Astrid at biglang napangiti bago tumayo, yayakapin niya pa sana ang kasama ko pero binatukan na siya nito.


"Aray!" pagdaing ng kaklase ko at maging ako nga ay napangiwi.


Sabi ni ate Syrene sa'kin kanina pagsasabihan niya lang pero bakit may kasama pang pagbatok?


"Para san 'yon ate Sy?" nagtatakang tanong ng babaeng kaharap namin.


"Para 'yan sa pangongopya mo sa assignment ni Lera" nang masabi 'yan ni ate Syrene ay kaagad na napatingin sa'kin si Astrid, napalunok naman ako.


"Sinabi mo?" tanong niya samantalang ako ay hindi makasagot. Anong sasabihin ko eh si at---


"Pinilit ko siyang sabihin sa'kin kaya 'wag kang magalit kay Lera" seryosong sabi ni ate Syrene kaya napakamot na lang sa batok si Astrid.


"Basta huwag mo nang uulitin ang pangongopya ha kung ayaw mong isumbong kita kay Tita Marilyn" pagpapatuloy ng katabi kong babae kaya napatango-tango ang kaharap namin bago muling bumalik sa kinauupuan niya ng tahimik.


Ako naman ay ibinaling na ang atensyon kay ate Syrene at ngumiti sa kaniya.


"Thank you po" sabi ko kaya ngumiti pabalik ang magandang babae.


"Oh sige na ha? Aalis na 'ko, baka dumating na kasi teacher niyo at mapagkamalan pa 'kong isa sa mga estudyante niya"


Natatawang sambit ni ate Syrene. Natawa na rin ako at makalipas ang ilang segundo ay naglakad na siya paalis sa pinto ng room namin. Ako naman ay naupo na sa tabi ni Gaby at hinintay na dumating ang mga magiging teacher namin hanggang mimiyang 11:45.


•••


Natapos na ang time ng subject namin na science at naglakad na nga paalis sa pinto ng room namin si sir Hernandez. Syempre nauna sa kaniya sila ma'am Josie, ma'am Mary at sir Lorenzo na mga teacher namin sa english, mapeh, at filipino. May mga natutunan naman ako sa mga nilesson nila kanina pero 'yung iba ay nakalimutan ko na at sa ngayon nga ay wala na 'ko masyadong pakialam sa mga subject na 'yan dahil iniisip ko na ang bibilhin kong mga pagkain sa canteen namin. Lunch time na kasi pagkatapos ng subject namin kay sir kaya halos lahat sa'ming mga magkakaklase ay tuwang-tuwa dahil makakapunta na rin kami sa canteen kaya inilagay ko na ang mga gamit ko sa loob ng bag at kinuha ang wallet.


Nang makuha ko na nga ay kaagad naman akong napatingin sa cellphone ko na nasa loob din ng bag at kinuha 'yon dahil nakareceive daw ako ng text galing sa isang number lang.


"Hala? Sino naman kaya 'to?" nagtataka kong tanong sa sarili at kaagad na binuksan 'yung message.


"Hi baby Lera, ako 'to si Syrene. Nakuha ko number mo kay Ashayra, i-text daw kasi kita na sumabay ka sa'min ngayon na mag lunch at magkita-kita na lang daw tayo dito sa canteen. Thank you!♡" pagbasa ko sa text na may kasamang heart sa dulo.


Saglit pa nga na napaawang ang labi ko dahil pinoproseso pa ng aking isip ang mga sinabi ni ate Sy bago ako tuluyang mapangiti. Yay! Sana mimiya magkatabi ulit kami pero sa ngayon ay kailangan ko munang hanapin si Xander para masabihan na hindi ko siya masasabayan ngayong lunch time.


Nagpalinga-linga ako sa paligid ng classroom namin hanggang sa mapadako ang tingin ko sa lalaking matangkad. Nagmamadali naman akong tumakbo papalapit sa kaniya kaya napatingin siya sa'kin at hinintay akong magsalita.


"Huy Xander, hindi muna kita masasabayan sa pagkain ngayon sa canteen"


"Bakit?" nagtatakang tanong naman ng lalaking kaharap ko kaya ipinakita ko sa kaniya ang cellphone. Napataas ang isang kilay ni Alexander bago basahin ang message sa'kin ni ate Syrene at nang magawa niya 'yon ay kaagad siyang napasimangot bago magsalita.


"Sige, papasama na lang muna ako kila Jovert pero mimiya ba pagkatapos ng klase natin puwede ka?" tanong niya at nagmamakaawang tumingin sa'kin.


"Saan?" naguguluhan ko namang tanong pabalik.


"D'yan lang sa tabi-tabi" nang masabi niya 'yan ay kaagad ko siyang natampal sa braso at sinamaan ng tingin.


"Saan nga?"


"Ang sakit non ah! Eto naman hindi mabiro" pagrereklamo ni Xander pero sinamaan ko lang ulit siya ng tingin kaya napangiwi siya at napakamot sa batok bago magsalita.


"Aayain sana kita d'yan lang sa may 7/11 tapos punta na rin tayo ng simbahan"


Bigla naman akong napaisip nang marinig ang pupuntahan naming dalawa, para sa'kin okay lang din kasi minsan na lang rin naman ako makapunta sa 7/11 at mas lalong okay naman sa'kin kung sa simbahan rin kami pupunta dahil makakapagdasal ako don at makakahingi ng tawad sa mga pagkakamali ko. Muli akong napatingin kay Xander na hanggang ngayon ay naghihintay ng sagot kaya napaisip na naman ako.


Hindi lang kasi ito 'yung first time na inaya niya 'ko. Nung una ay napapayag ako ni Xander na magpunta sa bahay nila dahil gusto daw akong makilala ng Mommy niya at syempre hindi ko talaga malilimutan 'yung araw na 'yon kasi ipinagluto talaga ako ni Tita ng favorite kong ulam. Bigla tuloy akong napangiti nang maalala na ipinagluto rin ako noon ni ate Syrene, kaagad rin naman akong napailing-iling dahil bigla na namang pumasok sa isip ko ang bestfriend ni ate Shayra.


"Lera?" napatigil ako sa pag-iisip at napatingin kay Xander.


Oo nga pala, hindi pa 'ko nakakasagot.


"Sige. Payag na 'ko mimiya pero anong oras ba? Pagkatapos talaga ng klase? Puwede bang magbihis muna ako?" sunod-sunod kong tanong kaya napangiwi na naman si Xander.


"Mga 4:30 na lang at tsaka sige magbihis ka muna, dadaanan na lang kita sa inyo"


"Okay" nakangiti kong sabi at tumingin sa'king relo bago sa kaklase kong lalaki.


"Sige Xander ha? Maiwan na muna kita, baka kasi hinahanap na 'ko nila ate Syrene" tumango-tango naman siya kaya tumalikod na 'ko at nagsimulang maglakad paalis sa room para magpunta sa canteen.


•••


Binilisan ko talaga ang paglalakad hanggang sa makarating ako dito sa canteen. Syempre sobrang daming estudyante ang nakapalibot sa'kin kaya paniguradong mahihirapan akong mahanap sila ate Shayra, sinimulan kong ilibot ang paningin sa may bandang gilid at doon ko nga nakita si Xander at sila Jovert na mga kaibigan niya.


"Hala naunahan niya pa 'kong makarating dito" hindi ko makapaniwalang saad at napailing-iling na lang bago ipagpatuloy ang paghahanap sa mga makakasama ko ngayon.


Napadako ang tingin ko sa kabilang side ng canteen at doon ko na nga nakita sila ate Shayra. Nakatalikod sila ng upo sa'kin pero 'yung kaharap niya na maganda, may mahabang buhok, color brown na mga mata, medyo makapal na kilay at napakaputing balat ay kilalang-kilala kong si ate Syrene. Nasa tabi siya ni kuya Franco at katabi naman ni ate Shea sa may kaliwa si kuya Kristoff at sa kanan niya naman si ate Ashayra. Napansin ko lang na may bakante pang upuan sa kanan ni kuya Tope kaya naglakad ako papalapit sa kanila at ngumiti bago naupo dun sa bakante.


"Oh naandito ka na pala Lera. Pinag-order ka na namin ni Shea nung favorite mo" sabi ni ate Shayra pero bigla siyang natigilan at napatingin sa'min nung kaharap niyang babae.


"Teka lang, bakit ayaw mong umupo sa tabi ng ate Syrene mo?" pagpapatuloy niya samantalang ako ay biglang nahiya at hindi masagot ang tanong.


"Gusto mo ba dito Lera? Palit tayo?" tanong naman sa'kin ni kuya Franco kaya dali-dali akong umiling.


"Huwag na po, okay na 'ko dito sa tabi ni kuya Tope" sabi ko at ngumiti.


Gusto ko naman talagang makatabi si ate Syrene eh kaso nga lang nakakahi---


"Lera 'yung crush mo oh"


Biglaan namang sabi ni ate Ashayra at itinuro si Xander na nasa kabilang side nga namin, kaagad tuloy akong napatingin sa direksiyon nung kaklase kong lalaki at napansin ko rin sila ate Shea, ate Syrene, kuya Kristoff at kuya Franco na napatitig dun kay Alexander kaya sinamaan ko ng tingin si Ate Shayra.


"Hindi ko naman 'yon crush" sabi ko kaya napatawa na lang si ate. Alam niya naman kasing isang tao lang 'yung crush ko at hindi 'yon 'yung kaklase kong lalaki.


Isa pa rin kasi 'tong si Alexander eh. Palagi ba naman akong inaakbayan kapag magkatabi kami sa room, minsan pa nga ay inililibre niya 'ko ng mga pagkain dito sa canteen kaya sabi ng mga kaklase ko ay napaghahalataan na may gusto daw sa'kin 'yung tao. Syempre ako naman ay hindi nakikinig sa kanila dahil alam kong sadyang sobrang bait lang ng lalaking 'yon kaya ayun, ibinabalik ko 'yung mga kabutihang ginagawa niya sa'kin.


Palagi ko siyang sinasamahan at pumapayag na rin ako na akbayan niya 'ko sa room pero ang tingin ng mga kaklase namin ay nagkakagusto na rin ako kay Xander. Doon na nga nagsimula 'yung mga panunukso nila kaya pati 'tong si ate Ashayra ay nakiasar na rin.


Si ate Syrene naman ay napansin kong nakabaling na sa'kin ngayon ang tingin kaya 'di ko maiwasan ang mapalunok.


Palagi talaga akong kinakabahan pagdating sa kaniya eh. Siguro kasi minsan ay iniisip ko kung ano ang magiging reaksiyon niya sa mga bagay na nangyayari sa'kin o sa ginagawa ko katulad na lang ngayon, hindi ko malaman kung anong tumatakbo sa isip ni ate Syrene nang sabihin ni ate Shayra na may crush daw ako kay Xander. Basta lang siyang nakatingin sa'kin, wala nga akong makitang kahit anong reaksiyon o emosyon sa mga mata niya kaya napalunok ulit ako.


"Huy!"


Isang kuhit ang nakapagpabalik sa'kin sa reyalidad at napatingin ako kay kuya Kristoff.


"Kanina ka pa nakatitig kay Syrene ah" mahina niyang bulong sa'kin kaya kaagad na nanlaki ang mga mata ko at nararamdaman ko na rin ang pamumula ng magkabilaan kong pisngi.


"Hala namumula ka Lera" mapanuksong sabi ulit ni kuya Kristoff.


"Hmm alam ko na ngayon kung sino talaga 'yung crush mo" pagpapatuloy ng katabi kong lalaki kaya ngayon ay nakaramdam ako ng kaba bago magsalita.


"H-hindi mo naman siguro ipapaalam kay ate Syrene na siya 'yon diba kuya Kristoff?"


"Syempre hindi noh"


Kaagad akong nakahinga ng maluwag.


"Safe na safe sa'kin 'yan, pero Lera 'wag ka lang masyado magpakahulog d'yan kay Syrene ha sinasabi ko sa'yo" bigla naman akong naguluhan sa mga sinabi ni kuya pero tumango-tango pa rin ako. I heard him sighed at napansin niya yata na naguguluhan ako kaya muli siyang nagsalita.


"Ayoko lang na masaktan ka sa malalaman mong sikreto ni Sy"


"S-sikreto?" nauutal kong tanong na tinanguan ng katabi kong lalaki bilang sagot kaya napaisip ako.


Bakit naman kaya ako masasaktan?


May kinalaman ba sa'kin 'yung isinisikreto sa'min ni ate Syrene?


"Kailangan kong malaman 'yon" saad ko sa sarili kaya napatingin ulit sa'kin si kuya Kristoff.


Nginitian ko na lamang siya at ipinagpatuloy ang pagkain, makalipas nga lang ang ilang segundo ay napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko lang na nakain rin.


Pakiramdam ko ay lumalakas na naman ang tibok ng puso ko 'pag nakatitig ako kay ate Syrene, pero sa ngayon ay kailangan ko sigurong sundin ang mga sinabi sa'kin ni kuya Kristoff na 'wag ako masyadong magpakahulog.

12 Août 2022 11:59:07 0 Rapport Incorporer Suivre l’histoire
1
Lire le chapitre suivant Chapter 2

Commentez quelque chose

Publier!
Il n’y a aucun commentaire pour le moment. Soyez le premier à donner votre avis!
~

Comment se passe votre lecture?

Il reste encore 1 chapitres restants de cette histoire.
Pour continuer votre lecture, veuillez vous connecter ou créer un compte. Gratuit!

Histoires en lien