1
3.4mille VUES
En cours - Nouveau chapitre Tous les 2 jours
temps de lecture
AA Partager

Chapter 1

Brielle's POV:

*BEEEEEEPPPPPPP*

Malakas at mahabang tunog ng busina ang ibinato ko sa isang lalaking nagtangkang tumawid sa makipot na daanan. Ramdam ko ang konting kirot sa bandang balikat at dibdib ko dahil sa paghinto ng sasakyan na sya namang biglang pagpigil sa katawan ko ng tali upang hindi ito tumama sa manibela.

Mabilis kong nakaramdam ang mainit na dugo na umakyat sa aking ulo, kasabay nito ang malakas na pagtibok ng aking puso dahil sa kaba.


"D-dyusmiyo Marimar!

Aba, may balak ba tong mag pakamatay at gusto pa kong idamay?

Sambit ko sa sarili. Hindi na ko nagdalawang isip pa at tuluyan ko nang binuksan ang kotse upang bumaba.

Halata yung takot na bumakas sa kanyang mukha nang makita nya ko.

"S-sorry."

Isang salita lang ang binitawan nito at bigla nalang itong naglaho sa harap ng aking kinatatayuan.

Medyo naguluhan ako kasi nakita kong patakbo itong i-ika-ika papalayo.

Hala! nabunggo ko ba sya?! Hindi ako pwedeng makulong!!

Kadalasan kasi ang mga nababalitang bagong modus ngayon ay mga taong nagpapanggap na masasagasaan upang sila ay mabiyayaan ng financial na tulong sa kunwaring pagpapagamot.

Bago ako pumasok sa sasakyan, nakita ko na naroon naman ang mga taong nagkumpulan upang maki-usisa sa naganap. Animo'y may artista sahil sa dami ng tao.

Muli ko namang pinatakbo ang sasakyan. Habang nakikinig sa Rap God ni Eminem (hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong paulit ulit na pinapatugtog) kinuha ko naman ang kaha ng sigarilyo na nakaipit sa may sun visor ng sasakyan. Samantala, dinukot ko lamang ang lighter sa bulsa ng suot ko na maong na pantaloon.

Hindi naman talaga ako nagsisigarilyo pero dahil napabarkada ako noong college, madalas akong sumama sa mga kaibigan ko para gumimik. Don' ako natuto humithit ng yosi, pakonti-konti, hanggang sa nararamdaman ko na nawawala yung kati sa aking lalamunan. Sinundan ko na rin ng tuloy-tuloy na paginom ng beer subalit aminado ako na sobra akong naging pabaya sa sarili.






"Hello?

Tanong ni Elodie mula sa kabilang linya.

Hindi ako sumagot, bagkus nakikinig lang ako sa mga pinagsasabi nya. Kinuha ko yung sunglasses saka ko ito isinuot.

"Gaga ka Brielle! Hindi ka na nga pumasok, wala ka pang project. Ano nalang grade ang makukuha mo nyan? pag aalala nito.

"Ang arte kasi ni Sir! Sino ba namang hindi maiinis kapag meron syang pinapaburan sa klase? Nagpass ako sa kanya ng report. Anong ginawa nya? Diba pinaulit lang naman nya sakin yun at hindi man lang nag bigay ng feedback!

Hindi ko sinasadya na pagtaasan sya ng boses. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit sobrang init ng dugo ng teacher ko sakin."


"Hindi lang naman ikaw ang naiinis sa kanya, pati yung kabilang section." dagdag nito.

Di ko nalang pinansin yung huli nyang sinabi. Masama lang pakiramdam ko ngayon, isa pa, nai-sstress lang ako kasi muntik pa kong makapatay kanina.

Tinaas ko sa ulo yung salamin sabay hithit ng sigarilyo.

"Malapit na ko, magkita nalang tayo mamaya sa tapat ng Jolibee."

"Umalis ka na naman ba? paguusisa nya.

"Pahangin lang. Ayokong nakikita yung imahe ni ate sa bahay. Naiinis ako."

Mga ilang sigundo ang namagitan samin. Alam kong alam nya yung pinagdadaanan ko.

"Oh sya, magiingat ka Bri. Wag kang papahuli alam kong hindi mo pa rin narerenew yung lisensya mo."


"HAHA. Alam ko."

Binaba ko na yung phone sabay balik ng tingin sa pagmamaneho. Ilang minuto nalang ay makakrating na ko malapit sa Kapetolyo, isa itong coffee shop sa Ermita. Umupo ako sa may kabilang gilid; buti nalang walang masyadong tao. Dito ako madalas pumwesto kasi masaya kong tinatanaw yung mga mapapayat na puno ng buko saka may ilan ilan ding puno ng mangga na nakatanim sa paligid. Ang presko sa loob saka talaga namang makikita na pinag-planuhan ang pagtayo dito. Parang kombinasyon ng red oak saka walnut yung mga klase ng kahoy ang ginamit. Malaking transparent glass din yung magkabilang wall sa halip na simento kaya, yung mga naglalakad at dumadaan sa labas ay nakikita yung mga bagay na nasa loob. Yung liwanag na tumatanglaw ay kulay kahel kaya naman talagang nakakarelax tumambay dito.

Inilabas ko na yung laptop saka agad itong i-connect sa may free wifi nila. Umorder na ko ng champorado, 180 lang at Brewed Iced Tea na 120 pesos. Kahit sobrang init ng panahon ay nagagawa ko pang kumain ng champorado at mag hot drink. Sa champorado kasi ako pinaglihi ng mommy ko kaya daw brown yung kulay ng balat ko.






*Message popped up*

Di ko muna pinansin yung message na lumitaw sa may baba ng screen ng laptop ko. Ilang araw na yung nakalipas pero hindi parin ako handang kausapin si Chirstian. Maliban don, kailangan ko paring tapusin yung pinapagawa si Sir kahit lubag sa aking kalooban. Nilaro laro ko muna yung mouse cursor papunta sa may dashboard, papunta sa may litrato ko na kung saan ay mayroong icon na blue check sa tabi ng pangalan ko.

Maya-maya..








"Brielle"

Isang pamilyar na tinig ang nanggaling sa likuran ko. Sinundan ko lang sya ng tingin. Mayroon syang kasamang lalaki pero sininyasan nya itong mauna ng lumabas. Sandali itong umupo sa harapan ko. Tumingin lang sya sakin na para bang binabasa nya ang nakasulat sa mga mata ko.


"Ate, nadito ka pala.." mahina kong sagot.

Dalawang taon lang ang agwat namin. Nasa ikalawang taon nya sa kolehiyo, ako naman nasa ika-labing isang baitang sa high school.

Sya lang naman yung kapatid ko na pinakapaborito ng parents ko kahit hindi nila sabihin. Maliban sa pagiging achiever, nakuha nya yung physical na katangian ng mom. Samantala ako naman ay tampulan ng tukso dahil hindi katangusan yung ilong ko na dahilan ng madalas na pagkukumpara samin ng mga kaibigan ko sa school.

"Kelan ka uuwi? Miss ka na nila mommy at Dad." tanong nya.

"Sa susunod na araw na, marami pa kong gagawin eh." pagsisiguro ko.

"Okay ka lang ba sa bahay na tinitirhan mo? May allowance ka pa ba?

"May raket ako kaya may sarili naman akong panggastos. Tumatawag or nag memessage naman ako kay dad o kaya kay mommy pag kinukulang yung allowance ko."

"Sigurado ka ba na okay ka lang? Pag-uulit na tanong nya.

"Okay na okay." ngumiti lang ako sabay kindat sa kanya.

Sa totoo lang mas gusto ko pag pagkahiwalay kami ng landas. Masakit na sa tenga na parati ko nalang naririnig na "Mas maganda si Tricia", "mas matalino si Tricia,"mas maputi si Tricia" mas matangos yung ilong ni Tricia." etc. Siguro nung bata kami okay lang sakin yun at napapalampas ko pa yung ganong mga eksena, pero ngayon hindi na. Halata naman na mas masaya si mommy pag kasama si Tricia kasi mas kamukha daw nya. Hay..

"Tricia let's go." pag-aaya ni Kuya Justin.

"I'll see you later, Brie" saka ito umalis kasama yung boyfriend nya na limang taon nya ng nakakasama.

Kumaway lang ako sa kanila upang magpaalam. Maswerte si ate sakanya kasi nakikita ko na sobrang bait sakanya at maalaga lalo na kapag nagkakasakit sya noon, laging may padalang mga rosas saka mga chocolates sa bahay.

Ako, kailan kaya dadating yung prince charming ko? Hay.. pero baka naligaw na yun or saang lupalop ko na kailangang hanapin.

23 Juin 2022 13:45 0 Rapport Incorporer Suivre l’histoire
1
Lire le chapitre suivant Chapter 2

Commentez quelque chose

Publier!
Il n’y a aucun commentaire pour le moment. Soyez le premier à donner votre avis!
~

Comment se passe votre lecture?

Il reste encore 4 chapitres restants de cette histoire.
Pour continuer votre lecture, veuillez vous connecter ou créer un compte. Gratuit!