0
440 VUES
En cours - Nouveau chapitre Tous les mercredis
temps de lecture
AA Partager

Chapter 1

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papasok sa altar ng simbahan, dahan-dahang ang bawat hakbang dahil sa mahaba kong wedding gown habang may hawak na bulalak sa aking mga kamay. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad, nakangiti sabay bagsak ng mga luha sa aking mga mata, ito ang pinangarap ko mula noong magkakilala kaming dalawa. He never broke his promises that someday he'll going to marry me at ito na nga ang araw na iyon.


"Ate! Si Jino!"


Bigla ko namang nabitiwan ang hawak kong bulaklak, at napamulat ang mga mata tsaka napabalikwas ng bangon. Nananaginip lang pala ako, panira talaga ng moment itong kapatid ko.


"Ano ba kasi iyon Mila, ang aga-aga pa eh." reklamo ko sabay higa ulit.


"Ate si Jino nga kasi." niyugyog ako nito, sabay hatak ng kumot.


"Ano ba kasing nangyari kay Jino? Istorbo ka sa panaginip ko!" padabog akong bumangon tsaka ito binato ng unan.


"Aray naman, makabato Ate laki ng galit sa akin ah."


"Oo, natutulog pa ang tao dito ang ingay-ingay mo!"


"Si Jino nga kasi nasa baba, hinihintay ka raw!" sigaw nito sa akin, kaya para naman ako binuhusan ng malamig na tubig at naalimpungatan ako sa sinabi niya. Dali-dali ako pumasok ng banyo, naghilamos tsaka nagmumog ng mouth wash at dali-daling lumabas ng kwarto, iniwan ko sa loob ang kapatid ko. Pagkababa ko ay nakita ko naman si Jino na nakaupo sa sofa habang hawak ang isang magazine, seryoso niya iyong binubuklat hanggang sa napansin niya akong bumaba ng hagdan.


"Ahm, are you?" turo nito sa akin, mula baba pataas at taas pababa. Nagtataka ko naman siyang tiningnan pero napansin ko rin naman ang suot niya, mukhang bihis na bihis ata siya may lakad siguro ang taong ito.


"You know, di ka man lang ba magpapalit ng damit or just even take a bath?" tanong niya, kaya mas lalo akong naguluhan.


"Bakit? May lakad ba tayo?"


"Did you just forget?"


"Ang ano?"


Pinag-isipan ko namang mabuti kung may pinag-usapan ba kami kahapon na importante.


"Good morning, Melon."


Bigla akong napatingin sa bubwit na lumapit kay Jino, nagtataka ko namang itong tiningnan dahil bihis na bihis din ito. Nag-usap ba itong dalawa at di man lang ako informed?


"Aren't you gonna come with us?"


"Yeah, buti pa itong si Max di makakalimutin."


Sinimangutan ko naman silang dalawa at naguguluhang lumapit sa kanila sabay upo sa sofa.


"Sabihin niyo nga sa akin, did you do this for a revenge?"


"Nope."


"Slighty?"


Sabay naman silang sumagot sa akin at nakuha pa nilang mag-apir. Ngayon alam ko na kung bakit nakabihis sila, dahil sa hindi ko sila in-informed noong last time na lumabas kami para mag-mall kaya gumaganti sila ngayon. Jino is my long time best friend, since we were in high school all through the good time and bad times pati na rin sa up and downs.


"C'mon Melon, you should get hurry. Tito Jino is waiting." nakapameywang nitong turo sa akin.


"Oo na, mga ano kayo." reklamo ko at padabog ulit na umakyat sa kwarto. Di na ako naligo at nagbihis nalang ng damit tsaka bumaba.


"So, let's go?" taas kilay naman nila akong tiningnan bago tumayo.


"Ang bilis, naligo ka ng pabango ano?" biro nitong si Jino sa akin kaya sinimangutan ko na lang ito at lumabas na ng bahay.


"Sasama rin ba ako?" dinig kong sigaw ng kapatid ko.


"No, you're not Tita Mila!"


"Ay, ang sama nitong batang ito."


Tumawa naman lumabas itong si Jino, habang hawak ang kamay ni Max para silang mag-amang tingnan. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan silang papalapit sa akin.


"Para ng mapupunit pisngi mo n'yan." sambit nito kaya bigla ko namang itinikom ang mga labi ko. Pumasok na kami ng sasakyan at si Jino ang driver namin ngayon kasi wala naman kaming sasakyan at hindi rin ako marunong magmaneho.


"Saan ba punta natin?"


"I want to go on the milk tea shop, that's what we've talked right Tito Jino?" sagot nitong bubwit naming kasama, tumango-tango naman si Jino sa kanya at iniliko ang sasakyan hanggang sa nakarating kami sa nasabing shop. Ito palagi ang gustong puntahan ni Max tuwing weekend, paborito niya kasi ang milk tea dito every week ata nandito siya. Lumabas na kami ng kotse nauna silang pumasok sa akin dahil may biglang tumawag sa phone ko.


"Hello?"


"Maggie, we need you later if you have time." wika ng nasa kabilang linya.


"Fraye, bakit may problema ba?"


"There's none, it's just we have a night party at exactly 8pm I hope you'll come."


"Ah, i-try ko."


"I need an exact answer, hindi iyong i-ta-try lang that sounds unsure."


"Fine, I'll going to come. Masaya ka na?"


"Yan, oo naman ano ka ba."


"Oh, sige na tinatawag na kasi ako ng mag-ama."


"Magkasama kayo ulit? What is it a family bonding?"


"Baliw, bye."


Dinig ko naman ang tawa nito sa kabilang linya, bago ko siya binabaan ng phone. Pagpasok ko ng shop ay may nakabunggo akong lalaki, medyo familiar ang amoy niya kaya napalingon ako sa kanya habang palabas na ito.


"You alright miss?" gulat akong napatingin sa likuran ko. Hawak pala ng isang lalaki ang magkabilaang balikat ko, at di ko iyon napansin dahil sa lalaking nakabunggo sa akin.


"Sorry, I didn't mean-" binitiwan nito ang balikat ko at nakayukong humingi ng pasensya.


"Ah, hindi. Kasalanan kasi ng lalaking iyon, kaya muntikan na kitang mabunggo. Pasensya ka na rin."


"It's alright." sagot niya habang nakatingin doon sa lalaki na kasalukuyang naglalakad na papalayo ng shop.


"Maggie here!" napalingon ako sa lalaking sumigaw habang nakataas ang kamay.


"Excuse me ah."


"Ahm, wait."


Gulat akong napalingon sa kanya patungo sa kamay ko na hawak-hawak niya, napatagal ang titig ko doon at bigla naman niya itong binitiwan.


"Sorry, by the way I'm Marco."


"Ganon ba, nice meeting you Marco." nakangiti kong tugon at naglakad na papunta sa kanila ni Jino at Max. Napailing-iling nalang ako dahil sa weird feelings na naramdaman ko towards him. It's like he already know who I am but I don't even know who he is.


5 Avril 2022 05:16:36 0 Rapport Incorporer Suivre l’histoire
0
Lire le chapitre suivant Chapter 2

Commentez quelque chose

Publier!
Il n’y a aucun commentaire pour le moment. Soyez le premier à donner votre avis!
~

Comment se passe votre lecture?

Il reste encore 1 chapitres restants de cette histoire.
Pour continuer votre lecture, veuillez vous connecter ou créer un compte. Gratuit!