yanniecillo Jellian Sarboda

"Love, a one syllable word but has a lot of explaination yet doesn't have an exact definition." Parang tayo, gusto lang nating magmahal ngunit minsan nasasaktan din. Dahil, kahit anong pilit nating ipaliwanag sa taong nagugustuhan natin kung gaano natin sila kamahal kung iba naman ang laman at tinitibok ng puso nila, para na ring hindi natin nabigyan ng tamang kahulugan ang tunay na ibig sabihin ng "Pag-ibig". Paano nga ba magmahal na hindi tayo nasasaktan? Paano ba maiwasan ang makasakit at mang-iwan? She's not wishing for a man, pero sa isang iglap ay bigla siyang biniyayaan. Ngunit ang tanong handa na kaya siyang muling buksan ang puso upang magmahal sa pangalawang pagkakataon? May kasabihan nga tayo diba? First love never dies but waiting for a true love is worth it. He's the bitter man you would ever known, pero marami pa ring kababaihan ang nagpapantasya para makuha siya, dahil lang naman isa siya sa masasabi mong boyfriend material. But, his heart only belongs to someone, until one day morning he just woke up that he's married to a girl he'd never wishes for. Both of them promised themselves not to be involve in any kind of relationship, but what if they fell into love's trap? "If it wasn't the beauty of this meaningful art I maybe not here beside you." -Ashi Khate Jontillano-Ruiz "I don't want to keep any promises again, but to prove to you that this time I won't let you go." -Ell Zaviery Rivas "If this is already the end, I can't promise to stop loving you. Just call out my name, I will always be there my cupcakes." -Rhys Korver Ricafort "I love you more than you know, but if letting you go is the best way to make you happy then I'm setting you free." -Hetta Bertinelli


Romance Romance jeune adulte Tout public.

#Trap #Love,
0
522 VUES
En cours - Nouveau chapitre Tous les dimanches
temps de lecture
AA Partager

Chapter 1

Tama nga ang sinasabi nila na hindi ganon kadali ang makalimot, dahil halos tatlong taon na ang nakalipas ay hindi pa rin siya mawala sa isip ko.


Napabuntong hininga nalang ako sa mga iniisip ko, gusto ko mang kalimutan subalit ang puso ko naman ang sadyang ayaw itong pakawalan. Nangalumbaba ako sa counter habang nakatingin sa mga costumer namin.


"Girl, anong ginagawa mo diyan? Gusto mo bang mapagalitan na naman ng masungit nating manager?"


Hinampas ni Alecsh ang kamay ko, kaya bigla akong natauhan.


"Sorry na kasi, nakakabored kasi wala tayong masyadong costumer ngayon."


"Natural, Monday kaya ngayon. Tsaka bakit ganyan ang mukha mo? Para kang walang tulog."


Tanong nito sa akin, napaisip naman ako. Ano nga ba ginawa ko kagabi? Ah, naalala ko nanood pala ako ng asian drama kagabi kaya siguro para akong walang gana ngayon. Napahinga nalang ulit ako ng malalim.


"Can I have one cappuccino and one black coffee?"


Napalingon kami sa nagsalita, nakangiti ito sa amin. Ang cute niya dahil sa singkit niyang mata, sakto naman sa tugtog na chinito. Di ko tuloy napigilan ang sariling ngumiti.


"Naku girl, nakahanap ka yata ng Kopiko mo. Boom! Gising!"


Daldal ng magaling kong kaibigan, dinig ko namang tumawa itong si chinito boy.


"Ang sama mo sa akin girl, anyway we'll take your order right away si-"


"Kyl, I'm Kyl Niru Sanchez. Miss, ahm Ashi? Am I right?"


Putol niya sa akin, nagulat naman kami bigla ni Alecsh, kilala niya ako? Pero bakit di ko siya kilala?


"I just actually guess it-"


"It was written in your name plate, don't ever believe on his fooleries 'cause you're just making yourself to look like a fool."


Napalingon naman kami sa bagong sulpot na lalaki, kung kanina chinito vibes ang nakita namin, ngayon naman kung hindi ako nagkakamali, he's an Italian-American. Ghad, am I seeing Angels here?


"Ell, panira ka naman ng moves ko eh."


Sabat ni chinito, pero di pa rin maalis ang tingin namin sa lalaking iyon.


"I really hate seeing weird faces, if I were an ice cream I wish to be the sour one."


Binigyan niya kami ng masamang tingin, kaya napaiwas tuloy kami ni Alecsh at ibinigay sa kasamahan ko iyong order.


"One cappuccino and one black coffee, Rhys!"


"Right away cupcakes!"


Sagot niya sa loob, kitang-kita ko rin ang pagkindat nito. Umalis na sa counter ang dalawa, habang itong si Alecsh ay parang bulateng kinikilig, sabay tanong sa akin.


"Nagising ka bigla ano girl?"


"Kaunti, gwapo sana iyong isa kaso masungit."


"Pero sinong bet mo sa kanila?"


"Ahm," nag-isip kunware.


"Ay, di makapag-decide girl?"


"Iyong si Mr. Singkit?"


"Iyong Naruto?"


"Anong Naruto? Pinagsasabi mo?"


Halos matawa ako sa sinabi niya, mahal yata cotton buds sa kanila.


"Di ko masyadong na gets name niya eh, kaya Naruto nalang itatawag ko sa kanya. Haha!"


"One cappuccino and a black coffee were ready."


Nilingon ko si Rhys, at lumapit sa kanya.


"If he wants to be the sour ice cream, then I'll be the sweetest one."


Di ko alam kung kikiligin ba ako o matatawa sa banat nitong si Rhys.


"I don't like sour either the sweetest one, I like a creamy ice cream."


"I know, I know, lagi mo nalang akong pi-ni-friend zone Ash."


He frowned at tumalikod, bigla tuloy akong nakonsensya sa sinabi ko. Kinuha ko na ang tray at ibinigay ito kay Alecsh.


"Why don't you give him a chance Ash?"


"I am not ready, I can't. What if I'll just hurt him again?"


"Hay naku, kailan mo kasi papakawalan ang nakaraan?"


Pailing nitong sabi, at umalis papunta doon sa mesa kung saan nakaupo ang dalawa naming costumer. I know she's right, bakit nga ba di ko pa mapakawalan ang nakaraan?

Dahil siguro mahal ko pa siya, na kahit hanggang ngayon ay di ko siya kayang kalimutan, na kahit anong subok kong magmahal muli ay nauuwi lang sa hiwalayan.


"Hey, ang lalim ng iniisip mo. Does somethings bothering you?"


Di ko namalayan ang paglapit sa akin ni Rhys, am I that lucky having him? One who keeps loving me, even though I can't even love him in return? The one who never get tired of telling me that I am special, even I feel that I am not.


"Or maybe you're thinking of him again?"


Sa pagkakataong ito nilingon niya ako with his serious yet caring looks. I admit, gwapo din naman itong si Rhys. What I like the most about him is his eyes beside his kindness.


"I am sorry Rhys-"


"You kept saying those eight letters of agony again, it always make me feel a pitiful person."


"That is not what I meant to say."


"I know, even if how many times I have to tell you this, I won't get tired. It was not your fault, siguro nga hindi pa panahon para muli mong buksan ang puso mo. Di kita pipilitin, pero maghihintay ako Ash. Maghihintay ako hanggang sa maging ready ka na."


Wala akong maisagot sa kanya kundi tangi ngiti lang, di ko naman siya mapipigilan sa gusto niya, kahit ayaw ko siyang saktan ay di rin maiiwasan dahil nagmamahal lang din naman siya. Kailan kaya siya susuko?

Rhys is my childhood best friend, but he only confessed to me when we were in college, pero may boyfriend na ako noon. Hindi rin nagbago ang tingin ko sa kanya, still he's my best ever friend. Until, my boyfriend and I split mga two years din ang lumipas noong nanligaw siya sa akin, but it didn't work. Hangang ngayon ay di pa rin siya sumusuko. He even said that he won't stop until he wins my heart.


"Alam kong, gusto mo na akong sumuko pero di ko iyon magagawa. Even the day come that he'll be back."


Ngatataka ko siyang tiningnan, anong ibig niyang sabihin? Patuloy pa rin siya sa pagsasalita.


"Kahit na natatakot ako na baka muli ka niyang mabawi, tinatatagan ko pa rin ang sarili ko na kaya kitang protektahan mula sa kanya. Sana sa pagkakataong iyon, mapili mo rin ako Ash."


Ngumiti ito sa akin, bago siya bumalik sa kanyang pwesto dahil may mga bagong pasok na costumer.


Pero paano kung bumalik nga ang taong iyon, handa nga ba akong harapin siya?


5 Avril 2022 05:06:09 0 Rapport Incorporer Suivre l’histoire
0
Lire le chapitre suivant Chapter 2

Commentez quelque chose

Publier!
Il n’y a aucun commentaire pour le moment. Soyez le premier à donner votre avis!
~

Comment se passe votre lecture?

Il reste encore 2 chapitres restants de cette histoire.
Pour continuer votre lecture, veuillez vous connecter ou créer un compte. Gratuit!