K
Kaycee Sweven


Keya developed her feelings to someone he met at her cousin's wedding. She did everything to let him know her feelings towards him but it seems like it's never enough when Jayjay announces that he has a girlfriend.


Fiction adolescente Tout public. © Journey to his Heart by Ethira Sweven All rights reserved.

#teenfiction #inkspiredstory #ethirasweven #eager #effort #Crush
0
1.7mille VUES
En cours - Nouveau chapitre Tous les lundis
temps de lecture
AA Partager

Jayjay

"Kailangan ba talaga tayo dun?" hindi ko na mabilang kung nakailang beses ko na ba natanong yan sa mga pinsan ko.


Tiningnan nila ako ng masama bago sumagot ng sabay "Oo!"


"Kanina ka pa tanong ng tanong diyan, hindi ka ba nagsasawa, lagi ka na lang nakakulong sa kwarto mo" pakunwari akong nag-isip bago sila tiningnan ng mariin at sumagot


"Hindi" napabuntong hininga naman ang mga ito na siyang mahinang ikinatawa ko.


"Ikaw bahala, ikaw rin... baka hindi ka pansinin ni ate Jean kapag hindi ka tumulong sa kasal niya"


'Ayan nanaman sila, ginagamit ang pananakot card'


"Nakita niyo na ba yung invitation?" pasimpleng tanong ni Cathy habang nagbabalat ng bawang na gagamitin sa pagluluto.


"Oo" sagot naman ni Marian na nagbabalat ng papaya.


"Tapos?Yun lang? Hindi mo sinearch name nila sa facebook?" dali akong nagtungo sa kusina dahil mukhang alam ko na ang hahantungan ng usapan nila.


"Hindi pa" binitiwan ni Cathy ang kutsilyo at umaktong disappointed at hindi kami nagresearch. "Para saan ba?" tanong ni Marian na walang kaalam-alam sa gustong mangyari ni Cathy


"Gaga, para malaman kung pogi ba o hindi DUH" napailing ako dahil sa kung paano siya mag-isip.


"Ikaw nagresearch ka?" sandali ko siyang tinitigan nang humarap siya sa gawi ko bago umiling.


"Hindi ko pa nabubuksan" napabuntong hininga siya bago kami dinurong dalawa


"Hindi ko na alam ang gagawin sa inyong dalawa, bukas na yung kasal tapos wala kayong kaalam-alam kung sino kapareha niyo?" napaisip ako bago ibinaling ang tingin sa kaniya


"Kailangan pa ba yun?" napasimangot ito bago muling kinuha ang kutsilyo.


"Kaya hindi kayo nagkakaroon ng manliligaw, kasi ambabagal niyo magsigalaw"


"Kaya hindi kayo natatapos kasi inuuna niyo yung pagchichismisan" dali kaming nagsihanap ng gagawin nang dumating ang kontrabida naming tita. Dali din naman itong umalis pagkakuha ng blender.


"By the way, check natin mamaya yung mga account ng partner natin" napangiti kaming dalawa ni Cathy habang abala naman si Marian sa pagtadtad ng mga rekado.


"Jerson Enriquez" basa ni Cathy sa pangalan ng kapareha niya sabay tipa sa cellphone. Biglang kumunot ang noo niya bago ipinakita sa amin ang account na nakita niya


'Jerson Enriquez — 838 followers, 2929 friends, 3 mutuals' litrato iyon ng isang lalaki sa harap ng isang kotse. Maganda yung kuha ng litrato, gayon na rin ang background nito, pero mukhang iyon lang ang maganda sa paningin ng pinsan ko.


"Mukha... naman siyang mabait" kaswal na sabi ko para bawasan ang katahimikan sa pagitan naming tatlo.


"Next na nga, hindi ako satisfied. Mukhang yung kotse na nasa likod niya, iba pa yung may-ari" nakasimangot na saad nito bago hinanap ang kapareha ni Marian.


'Fritz Madrigal — 183 followers, 828 friends, 1 mutual' litrato ng isang lalaki sa loob ng simbahan, maganda yung lighting.


Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Cathy bago hinanap ang kapareha ko.


"Joco Alvarez — 383 followers, 938 friends, 2 mutuals' mukhang galing snapchat yung profile picture niya, yung may apoy apoy na filter, pero hindi maikakaila na pogi siya.


"Ay shala, pogi!" tili ni Cathy bago ako sinabunutan ng malala. "Teka stalk natin" mukha kaming tangang nagkukumpulan sa may sofa habang nagscroll sa newsfeed niya. Nakaramdam ako ng panghihinayang nang makita ang litrato kung saan may kaakbay itong ibang babae habang nakatingin sila sa isa't isa. "Ay pogi nga, may jowa naman" napakamot ito sa ulo bago ibinagsak ang cellphone niya sa sofa.


"Ano bang inaasahan natin, yung mga kapartner natin ang magiging boyfriend natin?" tanong ko sa ngayo'y nakatulalang si Cathy.


"Hindi naman sa ganun, pero sabi ni ate Jean, bibigyan niya tayo ng kaparehang matino. Eh, yung sa'yo lang naman yung matino e!" reklamo niya.


Pagkatapos ng ilang minuto niyang pagrereklamo ay bumalik kami sa pagtulong sa kusina. Wala naman akong masyadong ginagawa dahil sa tuwing may ganitong okasyon, si Cathy at Marian ang maaasahan. Kumbaga ako saling pusa lang, tamang suporta sa kagagahan nilang dalawa. Hapon na nang matapos kaming tatlo sa kusina. Sakto naman ang dating ni ate Jean dahil kailangan na rin naming umuwi para igayak ang mga susuotin namin para bukas.


"May kasal ka bukas tapos ang haggard mo tingnan" pang-aasar ni Cathy kay ate Jean na buhat buhat si Elijane.


"Alam mo kung bakit yan ganyan, kasi ayaw niya sa kapareha niya" sabay kaming natawa nang matalim niya kami nitong tiningnan.


"Nakita niyo na ba sila?" umiling kaming tatlo. "Kararating lang nila, didiretso daw silang dagat, gusto niyong sumama?" dali kaming binalingan ng tingin ni Cathy. Pasimple akong umatras at hinarang ang dalawang kamay ko, senyales na ayaw kong sumama. Kung ako ang tatanungin, mas kaya ko pang makipagtitigan sa kisame ng kwarto ko kesa makipaghalubilo sa ibang tao.


"Hindi ako sasama, pag hindi sasama si Keya" nagtitigan kaming dalawa ni Marian bago nag-apir. Ibinaling namin ang tingin namin kay Cathy na ngayon ay masama ang tingin sa amin. "Paano ba yan majority wins, talo ka"


It's decided, hindi kami sumama sa hang-out nila sa beach, iginugol namin ang oras namin sa paghahanda para bukas. Wala naman akong inaasahang iba, gusto ko lang na matapos na ang lahat. May mga ongoing books pa ako na kailangang basahin na ipinagpaliban ko para sa kasal na 'to.


Narito kami ngayon sa loob ng simbahan, katatapos lang naming magmartsa papasok, wala akong pakealam sa paligid ko habang si Cathy ay hindi magkandaugaga sa pagsilip sa katapat naming upuan. Nagsimula ang seremonya ng kasal. Halos magwala ang dibdib ko nang marinig ang pangalan namin ng kapareha ko. 'Hindi ko alam kung ano yung gagawin' Kinuha ko ang puting parang kulambo na sa tingin ko ay ilalagay sa balikat ng mag-iisang dibdib. Mukhang wala ring kaalam-alam yung kapareha ko kaya sinundan niya na lang yung ginawa ko. Nakaraos naman kaming dalawa. Isa-isang tinawag ang mga nasa loob, pagkatapos nito ay ang picture taking. Talagang nag-arkila pa sila ng photographer. Napatingin ang lahat sa photographer nang tumikhim ito.


"Ahm, kung maaari po sana ay ipakita natin na natutuwa tayo sa kasal na ito" natuon ang atensyon ng lahat sa gawi ko. Kumunot ang noo ko nang sikuin ako ni Cathy


"Ngumiti ka kase, gaga" bulong niya, agad naman akong tumalima. Narinig ko pa ang mahihinang tawa ng mga katabi ko. Pagkatapos namin sa simbahan ay dumiretso kami sa reception. Pagkatapos naming kumain ay nagsimula na ang sayawan. Isang word lang ang naiisip ko ngayon. Ito ay ang salitang BORING. Kanina pa ako nakaupo sa silya ko, wala akong ibang magawa kundi hintayin na masunog ang pwet ko sa tagal ng pagkakaupo ko rito.


"Ang kj mo, try mo kayang iyugyog 'yang katawan mo kahit minsan, pramis hindi siya nakakamatay" kinusilapan ko si Cathy na kasalukuyang nakikipagtitigan sa lalaking nakakulay puti sa kabilang table. Ang natutunan ko ngayong araw ay wag bumase sa profile picture ng isang tao, there's more to it. Halos maubos ko ang tubig na iniinom ko nang makita ang dalawa kong pinsan kasama ang mga kapareha nila na sumasayaw sa A Thousand Years ni Christina Perri.


'Yan pala ang disappointed ha' napailing ako nang makita ang matatamis nilang ngiti habang isinasayaw sila ng kani-kanilang kapareha habang may isang lalaking parang tanga sa gitna na isinasayaw ang hangin niyang kasama. Gwapo pero mukhang may topak. Napailing na lang ako bago kinuha ang cellphone ko, nagbabakasakaling may tumawag sa akin. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang may makita akong isang palad sa harap ko. Nagtama ang paningin namin ng lalaking may topak nang iangat ko ang tingin ko.


"Maaari ba kitang... maisayaw?" tanging tango lang ang naisagot ko bago ipinatong ang kamay ko sa palad niya. Ito ang unang beses na maisasayaw ako ng isang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali siya si Jayjay, kapatid ni kuya Gelo na siyang asawa na ngayon ni ate Jean. Napalunok ako nang mapunta ang dalawang kamay niya sa bewang ko habang nag-aalinlangan ako kung ipapatong ko ba ang dalawang kamay ko sa balikat niya. Parang naging mabagal ang lahat sa paningin ko, kasabay ng paggalaw naming dalawa. Hindi ko siya magawang tingnan sa mata kaya itinuon ko na lang ang paningin ko sa patay sinding mga ilaw.


"Bagay sila" rinig kong sabi ni Cathy na naging dahilan ng pag-irap ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng kasayaw ko, tinitigan ko siyang mabuti. Matangos ang ilong niya, tama ang laki ng mga mata, manipis at mapulang mga labi, mapanga din siya. Nagawa kong obserbahan ang pisikal niyang anyo kahit patay sindi ang ilaw. Payat siya at matangkad. White shirt, loose jeans at puting sapatos ang suot niya. Mabango rin ang amoy niya.


"Bagay kayo, parehas kayong payat. Para kayong gumegewang na kawayan" ayan nanaman sila, hindi na lang ako umimik. Maaaring sa kanila ay joke lang iyon, sa akin din pero hindi ko alam kung anong magiging approach ng kasama ko sa sinabi nilang iyon. Ayaw ko namang maoffend si Jayjay.


"Kayo din, para kayong lechon na iniihaw ng sabay" napalingon ako sa gawi nila Marian at Fritz na siyang sumabat sa usapan namin. Tahimik lang kaming dalawa ni Jayjay. Hindi ko maiwasang humanga sa taglay niyang katangkaran. Matangkad ako pero mas matangkad pa siya.


"Tumigil na nga kayo, i-enjoy niyo na lang yung sayaw at wala ng next time" pag-awat ni jayjay sa dalawa. Napansin ko ang pagtitig nito sa akin, na siyang sinalubong ko naman. Hindi siya mukhang kisame kaya hindi ko siya kayang titigan ng matagal, naiilang ako. Nang matapos ang matamis na awitin ay pinatugtog naman ang masiglang tugtog. Nagsimula si Jayjay na mukhang tangang sumasayaw gamit ang dalawa niyang daliri. Paatras-abante ang hakbang ng paa niya habang parang nagcclose-open ang tig-isang daliri sa dalawa niyang kamay. Sinundan namin ang galaw niyang iyon, kaya lahat kami nagmukhang tanga. Hindi maikakaila na masaya silang kasama. Pagkatapos ng ilan pang mga sayaw ay niyaya nila kaming magkape.


"Yiee, kinilig ka kanina no, nung sinayaw ka ni jayjay" heto nanaman siya.


"Ako na lang laging nakikita mo, bakit hindi mo tanungin itong katabi ko. May paayos-ayos pa ng korona mo si Fritz kanina ah" biglang pag-iiba ko ng usapan. Nakahinga ako ng maluwag nang iyon ang naging sentro ng usapan naming tatlo habang hinihintay yung tatlo naming kasama na nagtitimpla ng kape.


"Hoy, nagmamagandang loob lang yung tao, walang malisya don" pairap niyang sagot habang yakap yakap ang sarili. Tanging ang apoy sa harap namin ang nagsisilbing init sa malamig naming gabi.


"Kape mo" napatitig ako sa kararating na si jayjay, sandali kong sinulyapan ang kapeng hawak niya at inabot ito.


"Thanks" tumango lang ito bago umupo sa tabi ko.


Napatitig ako kay Fritz nang bigyan niya ng jacket si Marian bago iabot ang kape nito. Humigop ako sa kape ko para maitago ang ngiti ko sa naging galaw ni Fritz sa pinsan ko.


"Bigla akong nakaramdam ng inggit" walanghiyang bira ni Cathy. Napatikhim naman si Jerson bago umalis sandali. Mukhang kukuha ito ng jacket para kay Cathy. "Ikaw Keya, hindi ka nilalamig?" baling sa'kin ni Marian.


Umiling ako bago sumagot "Kaya kong yakapin ang sarili ko" sabi ko bago ngumisi nang ipatong ni Jerson ang jacket sa balikat ni Cathy. Nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ako ng malambot na tela sa bandang balikat ko. Nang iangat ko ang tingin ko ay nakita ko si jayjay na abala sa pagtingin kung sumasayad ba yung kumot.


"Kung hindi ka nilalamig, ako nilalamig" tanging sabi nito bago umupo sa tabi ko. "Share na lang tayo, kung okay lang sa'yo" tanging tango lang ang naisagot ko, masyado akong nagulat sa ginawa niya. Kung titingnan mo siya, kaswal niya lang ginagawa ang mga iyon, walang malisya, sadyang mabait lang talaga siya. Pero para sa'kin hindi, dahil nagsisimula na akong makaramdam ng kilig.


Dali kong hinigop ang kape ko, limot na kakatimpla lang iyon. "Aray, tangina, ang init!" napatayo ako habang nakalabas ang napaso kong dila


"Malamang, kakatimpla ko pa lang yan" rinig kong sabi ni Jayjay. Masama ko itong tiningnan bago muling umupo. Napakusilap ako nang makitang nagpipigil ng tawa ang mga kasama namin. Napatingin ako sa relo ko nang tumunog ito 2:00 am na. Dali akong tumayo para ipabatid sa kanila na kailangan ko ng umuwi.


"Mauna na ako, alas dos na" kinuha ko ang kumot na nasa balikat ko at ibinalot kay jayjay. Nagsitanguan ang mga ito.


Nag-aalinlangan pa akong dumiretso sa bahay nang makita na mayroong mga lalaking lasing sa daraanan ko. Napabuntong hininga ako at tumigil saglit. 'Babalik ba ako o didiretso?' Napagdesisyunan kong bumalik na lang sa mga kasama ko nang saktong pagharap ko ay may mabunggo ako. "Jayson...?"






28 Décembre 2021 15:54:01 0 Rapport Incorporer Suivre l’histoire
0
Lire le chapitre suivant Angkas

Commentez quelque chose

Publier!
Il n’y a aucun commentaire pour le moment. Soyez le premier à donner votre avis!
~

Comment se passe votre lecture?

Il reste encore 2 chapitres restants de cette histoire.
Pour continuer votre lecture, veuillez vous connecter ou créer un compte. Gratuit!