euneiropherix_ Euneiropherix Wp

Her life is not like him. They're very different. But only thing that they're the same is, they love each other. They prove that everyone can love someone even you have opposite state in life. They believe that everyone can do anything what they want even the world don't want them to. They'll going to do some ways just to save their relationship.


Romance Romance jeune adulte Tout public. © ©Euneiropherix

#romance #fs #kairo #ara
1
1.7mille VUES
En cours - Nouveau chapitre Toutes les semaines
temps de lecture
AA Partager

One

Chapter 01


"Mag i-ingat ka Ate, huh?" Malungkot na sambit ni Aya.


Para na tuloy akong maiiyak dahil sa kadramahan niya. Yinakap ko na lang siya para matigil na ang drama niya, kanina pa 'to, e.


"Oo naman. Ako pa? Siyempre mag i-ingat ako doon, para sa inyo." Medyo pumipiyok na ang boses ko.


Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kaniya at pinunasan ang luha niya. Ayokong nakikita siyang umiiyak, e. Mahal na mahal ko 'tong kapatid ko kahit na medyo sira minsan.


"Sige na anak, flight niyo na." Saad ni Papa.


Bumaling ako sa kanila. Niyakap ko sila Mama at Papa, for the last time before my flight, shucks! Naka-english!


Bumitaw na rin ako sa pagkakayakap kay Mama. "Uh.... Ma, Pa, alis na po ako.... Alagaan niyo po si bunso huh?" Pamaalam ko.


"Siyempre," Tugon ni Mama.


Pagkatapos no'n ay umatras ako ng bahagya para mahawakan ko 'yong maleta ko. Handa na akong umalis, pero hindi ako handang iwan sila.


Hinila ko na ang maleta ko at tumingin sa kanila. Napabuntong hininga na lamang ako. Bakit pa kasi?


Tinalikuran ko na sila at pumunta na doon sa may counter para ibigay 'yong passport ko. Bago pa man ako maka-punta dun ay lumingon muna ako kina Mama. Kumaway sila sa 'kin at binigyan ko lang sila ng pilit na ngiti.


Tumungo na agad ako sa may staff doon at agad na ibinigay ang passport at mga papeles ko. Nginitian lang ako no'ng babae. Maganda siya at alam 'kong walang-wala ako sa kaniya.


"Thank you." Sambit ko ng matapos niya ng i-check lahat ng documents ko.


Ngumiti siya at sapat na 'yon para maging tugon niya kaya pumunta na ako do'n sa plane na sasakyan namin. First time kong makasakay ng eroplano kaya kinakabahan ako. Katulad no'ng sa mga napapanood na nag c-crush yung plane. Dios mio, wag naman sana.


Nakayuko lang ako habang naglalakad, kaya nabunggo tuloy ako sa poste. Wait, what? Poste? Ba't ang bango?


Ini-angat ko ang tingin ko at nakita ko ang isang lalaking sobrang pogi. As in, mas pogi pa sa pogi, mas gwapo pa sa gwapo. Gano'n. Napansin ko ring nakasuot siya ng white polo at parang pamilyar yung suot niya e, ano ulit 'yon? Uh, oo! Piloto, piloto yata siya!


"Watch your steps, Miss Stupid." Parang kumulo ang dugo ko ng banggitin niya ang salitang 'Stupid'.


Kahit naman probinsiyana ako, hinding-hindi ako magiging stupid. Kung hindi lang talaga siya isang piloto, baka sinapak ko na 'to kanina pa. Gwapo nga pero patapon naman ang ugali. Hmp.


Umalis siya sa harap ko at binunggo pa ang balikat ko. Nananadya na talaga siya uh, di na talaga nakakatuwa 'yong ginagawa niya huh. Hinayaan ko na lang 'yon at nagpatuloy na sa paglalakad.


***


"This is Captain Kairo Luxfard speaking—" Bigla akong nagulat ng may biglang lumapit sa akin na Flight Attendant.


"Do you want some foods or drinks, Ma'am?" Pormal na tanong sa 'kin no'ng FA.


"T-tubig na lang ho." Tugon ko.


Nginitian niya ako kaya pilit na lang din akong ngumiti sa kaniya para hindi maging awkward. Naka pwesto ako sa may bintana at katabi ko yung isang babae na may dalang baby. Ang cute, sarap kurutin.


Naglagay na lang ako ng earphones sa magkabilang tenga ko at nakinig ng kanta. Gusto ko lang muna kasing mag-relax e.


Ilang minuto lang at bumalik na 'yong FA na may dalang tubig. Ibinigay niya 'yon sa akin at agad ko namang ininom. Nauuhaw ako e. Pagkatapos ay ibinigay ko na agad 'yon sa kaniya.


"Thank you." Sambit ko at bumaling sa may bintana.


Tinanggal ko ang isang earphone na nasa kaliwang tenga ko dahil narinig ko 'yong iyak ng baby nakaka-awa.


"Shush.... Baby, wag maingay, huh..... Taha na..." Napatingin ako kay Ate.


Mukhang first time niyang magkaroon ng baby kaya di niya mapatahan. Iyak ng iyak yung baby, 'yong mga passengers naman nakatingin din kay Ate.


"Bakit po siya umiiyak?" Tanong ko kaya napalingon sa akin si Ate, di ko alam name niya, e.


"Ewan ko nga rin e..." Sabi niya.


"Pwede ko po ba siyang makarga?" Tanong ko ulit.


Kapag umiiyak kasi 'yong mga baby, kailangan lang ng distraction para mapatahan sila. Alam ko kung anong ipapan-distract dito sa batang 'to.


"Okay lang ba sa'yo?" Tanong niya pabalik.

Tumango ako at ngumiti. Mahilig kaya ako sa mga bata. Lalo na kapag babies.


So ayun, ipinakarga muna ni Ate sa akin 'yong baby na iyak ng iyak. May kinuha ako sa bulsa ko. 'Yong keychain ko na kulay pink. Medyo malaki 'yon kaya hindi niya mailalagay sa bibig niya, kung sakali.


Dahil distracted na siya ay tumahan na siya. Tumatawa pa nga e. Sana di na talaga siya umiyak dito kasi may mga passengers pa naman na ayaw ng ingay.


Di nagtagal at agad namang nakatulog 'yong baby kaya ibinigay ko na siya sa Mommy niya.


"Salamat huh.... Kung kasama ko lang talaga yung Papa niya hindi 'to ganito." Saad niya.


Parang gets ko siya. Kasi, lahat naman siguro ng bata hinahanap yung presence ng Papa nila kahit na wala pa silang kamuwang-muwang.


"Walang ano man po 'yon." Tugon ko at ngumiti kay Ate.


Bumalik naman sa utak ko sila Mama, Papa at Aya. Miss ko na agad sila. Hindi pa nga ako nakakarating sa Maynila miss na agad? Gano'n ako ka-OA.


Inisip ko na lang na para din naman 'to sa future namin, e. Para din 'to sa mga pangarap naming lahat. Kailangan lang muna naming magtiis sa ganito.


Sayang din kasi kung tatanggihan ni Papa 'yong offer e. Lalo na sa malaking University daw 'yon. Nabanggit yun sa akin ni Papa e. 'Frimonn University'. Sikat daw 'yong eskwelahang 'yon.


Dahil sa lalim ng pag-iisip ko ay nakatulog ako. Di ko na rin pinansin 'yong oras, gusto ko lang munang matulog sa ngayon.


Pagkagising ko ay saktong nagsisilabasan na 'yong mga pasahero kaya tumayo na ako ka agad at kinuha 'yong dalawang maleta ko.


Nauna na rin siguro 'yong Ateng katabi ko, wala na dito e, pati 'yong mga dala niya wala na rin.


Naglakad na ako papunta sa pinto palabas nitong airplane. Pagkarating ko do'n sa may hagdanan ay bumungad sa akin ang siyudad. Maraming buildings kahit na nasa loob pa kami ng airport.


Nagpatuloy na ako sa paglalakad kasi baka mahulog pa ako dito. Muntik na nga akong matumba dahil natapilok ako at salamat na lang talaga at may sumalo sa akin. Speaking of sumalo? Sino 'yon?


Tumayo ako ng maayos at tiningnan siya. "Are you okay?" Tanong niya.


Bakit naging mabait siya? Kanina lang ang suplado niya ngayon may pa 'Are you okay?' na? Nice.


"Uh... Opo.." Pinilit kong hindi mautal para di niya naman mahalata.


Tumango lang siya at hindi na nagsalita, tska umalis na rin. Ako naman naglakad-lakad na lang ako palabas ng airport. Hindi ko kabisado ang mga daan dito pero magtatanong na lang ako sa mga taga dito.


"Para!" Pagtawag ko sa taxing dumaan. Huminto naman ito ka agad.


Bumaba siya at tinulungan akong ilagay yung mga maleta ko sa likod ng taxi niya. Pagkatapos ay sumakay na ako sa passenger seat. "Saan ang punta mo hija?" Tanong sa akin ni Manong Driver na kasasakay lang kaya napatingin ako sa gawi niya.


"Sa Pasay po sana." Sagot ko.


Sa Pasay city kasi yung sinabi ng kaibigan ni Papa. Marami daw doong mga boarding house at malapit 'yon sa Frimonn.


"Sige." Sambit ni Manong Driver at pina-andar na ang taxi niya.


Wala lang akong imik at kinuha mula sa bulsa ko 'yong cellphone ko at tiningnan ang oras. Kabibili lang 'to ni Papa, pinag ipunan niya ito kaya dapat lang na ingatan ko.


Sa gitna ng biyahe namin ay na-traffic kami. Gano'n lang siguro talaga dito sa siyudad, palaging traffic. Nahagip agad ng mga mata ko ang isang matandang lalaki na nanlilimos, naaawa ako.


Tiningnan ko yung wallet ko, may pera pa naman ako. Napagdesisyonan ko na bigyan si Lolo, kawawa e.


"Manong, pwede ho ba muna akong lumabas saglit?" Tanong ko kay Manong.


Tumango siya. "Bakit hija?" Tanong niya pabalik.


"Bibigyan ko lang po yung lolo na nanglilimos." Sabi ko.


"Sige, sige." Tugon niya kaya agad na akong lumabas ng taxi.


Hindi pa naman uma-andar ang mga sasakyan dito dahil naka red light pa e. Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makapunta ako sa kinaroroonan ni Lolo.


Nakaupo lang siya at may lata sa tabi niya. Madumi na rin 'yong damit niya at ang gulo ng buhok niya. Parang naalala ko tuloy si Lolo, miss ko na 'yon e.


"Lo, ito po oh," Sambit ko at nilagay 'yong two-hundred pesos sa lata niya.


Umangat 'yong tingin niya sa akin. "Naku, hija, maraming salamat, huh?" Ngumiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako.


Sino ba naman ang hindi maaawa sa kaniya, nakaka touch e. Kung pwede ko ang ampunin si Lolo, gagawin ko kaso, wala akong sapat na pera para do'n.


"Wala po 'yon, Lolo. Sige po, tutuloy na ako, naghihintay na po kasi 'yong si Manong Driver e." Saad ko.


"Oh, sige. Tumuloy ka na. Salamat ulit. Pagpalain ka ng Diyos." Wika niya.


Tumango na lang ako at bumalik na sa taxi. Mukhang nainip si Manong pero sana hindi naman. Pagkasakay ko ay agad na ring nag green yung traffic light.


Nagbiyahe na kami hanggang ihinto ako ni Manong sa isang gusali. Sabi niya daw meron daw ditong boarding house kaya dito niya na lang ako binaba.


Tinulungan niya rin ako sa pagbababa ng mga gamit ko. Maraming tao dito sa may kalsada, 'yong iba nga hindi nahihiyang titigan ako. Nahihiya tuloy ako.


"Salamat po, Manong." Pagpapasalamat ko at ibinigay 'yong pamasahe ko sa kaniya.


"Walang ano man hija. O siya, tutuloy na ako." Pamaalam niya at tumango na lang ako.


Ng maka-alis na 'yong taxi ay napabuntong hininga muna ako bago lumingon sa bahay na tutuluyan ko. Unang pagkakataon kong tumira sa bahay na hindi amin.


Naiilang man ay pinilit kong pindutin ang doorbell. Naka dalawang beses akong pumindot do'n at sa wakas may isang babae na lumabas para pagbuksan ako.


Maganda siya at medyo may edad na rin. Mahaba ang buhok niya na abot hanggang siko.


"Ano 'yon?" Tanong niya sa akin.


Nabalik ako sa ulirat ng bigla kong narinig ang boses niya. "Magbo-board po sana." Wika ko.


Parang lumiwanag ang mukha niya dahil sa narinig niya. "Gano'n ba? Tara pasok ka." Masiglang sabi niya at tinulungan ako sa mga dala ko.


Pumasok kami at manghang-mangha ako dahil ang ganda ng bahay nila. Pure white lang 'yong pintura at hanggang ikatlong palapag ito.


"Anong pangalan mo bhe?" Malambing na tanong sa akin ni Ate, di ko alam 'yong pangalan niya e.


"Ariana po, tawagin niyo na lang po akong Ara." Sabi ko.


"Uh, Ara, ang ganda naman ng pangalan mo. Ako naman si Cecilia, tawagin mo na lang akong Ate Lia." Pagpapakilala niya sa sarili niya.


"Okay po, Ate Lia." Saad ko.


Ngumiti lang siya hanggang sa makapasok na kami sa loob ng boarding house. Nadatnan namin ang apat na babae. Magaganda sila, mapuputi at mukhang masusungit.


"Girls, siya si Ara." Pagpakilala ni Ate Lia sa akin.


"Hi?" Patanong na tugon ko.


"Ara, siya si Blaire." Turo niya sa babaeng brown ang buhok. "Iyon naman si Dyn." Turo niya naman sa babaeng naka-salamin. "Siya si Zyra." Itinuro niya naman 'yong babaeng naka-braid ang buhok. "At 'yon 'yong magiging roommate mo, Si Keisha." Baling niya sa babaeng seryosong nagbabasa ng libro.


Isa-isa naman silang nag-hi sa akin. Hindi naman pala sila masusungit dahil sa impression pa lang nila, halatang mababait sila. Siguro hindi sila mahirap pakisamahan.


"Let's go to our room Ara." Aya sa akin ni Keisha.


Tumango na lang ako at sumunod na ako sa kaniya dala ang mga gamit ko. Huminto kami sa isang kwarto. Siya 'yong nagbukas no'n at agad naman kaming pumasok.


Malinis 'yon at walang kalat. Dalawa 'yong kama at parehong puti 'yong bedsheets.


"Saan ba yung sa 'kin?" Tanong ko.


Itinuro niya 'yong higaan na malapit sa bintana. "Dito naman 'yong lagayan ng damit. Just help your self." Sabi niya.


"Salamat." Sambit ko.


"By the way. Do'n 'yong C.R." Sabi ni Keisha.


Tumango na lang ako. "Okay." Maikling tugon ko.


Nagpaalam na muna siya na bababa na kasi kakain pa daw siya sa labas. Mamaya ko na lang tatanungin si Ate Lia kung magkano ang upa.


Inayos ko muna ang mga gamit ko at ilinagay sa closet 'yong mga damit ko. Binuksan ko rin 'yong bintana para kahit papaano pumasok 'yong hangin dito.


Napabuntong hininga na lang ako dahil di ko na nakikita 'yong mga puno. Puro buildings at malalaking mga gusali na lang ang nakikita ko.


Kaya ko naman sigurong mamuhay dito e. Kailangan ko lang i-consider ang sarili ko na part ng community na 'to. Kaya ko 'to.

29 Octobre 2021 01:52:42 1 Rapport Incorporer Suivre l’histoire
2
Lire le chapitre suivant Two

Commentez quelque chose

Publier!
Ash Ash
Niceeee
November 28, 2021, 04:31
~

Comment se passe votre lecture?

Il reste encore 4 chapitres restants de cette histoire.
Pour continuer votre lecture, veuillez vous connecter ou créer un compte. Gratuit!