5unou5myw5-eiram_marie Marie Rose G. Simera

Guwapo [✔] Matangkad [✔] Matipuno [✔] Mayaman [✔] Makalaglag Undies [✔] Lahat na yata ng magagandang katangian ay nasa kanya na dahilan upang maging sikat siya sa mga kababahihan. Mapa - Lola, Tita, Ate, Kolehiyala at mga Binabae ay hinahangaan siya at pinapangarap na masungkit ang matamis niyang OO. Subalit may napakalupet siyang sikreto. No Girlfriend Since Birth siya. Paano nangyari at bakit? Madidiskubre kaya ng Personal Assistant niya ang totoong dahilan ng pagiging NGSB niya?


Romance Romance adulto joven Todo público. © All Rights Reserved

#taglish #ceo #friendship #childhood-sweetheart #family #office-romance #slice-of-life
0
10.0mil VISITAS
Completado
tiempo de lectura
AA Compartir

Chapter 01

«»«»«»«»«»

"Eli! Eli! Nasaan ka na?"

"Nandito ako Monica!"

"Saan?"

"Dito, halika lumapit ka rito."

Dahan-dahan naglalakad ako papalapit sa puwesto kung saan may nauulinigan akong pamilyar na boses. Sa tuwing naririnig ko ang tinig na iyon, gumagaan ang pakiramdam ko. Nasanay din ako na palagi kong naririnig ang mahinahon niyang boses, kaya nga lang...

«»«»«»«»«»

"Monica! Hoy!"

"Huh! Hah? Ba-- bakit po Mama?" sagot ko sa babaeng nakaupo sa kabilang dako ng lamesa kaya naman magkaharapan kami habang nag-uusap. Matamang nakatitig sa akin si Mama habang nakakunot ang noo at tila nagtataka siya sa ikinikilos ko. Hindi ko kasi namalayan ang presensiya ni Mama sapagkat malalim ang iniisip ko. May naalala kasi akong isang importanteng pangyayari mula sa nakaraan ko.

"Ayos ka lang ba Anak? Kanina pa kita hindi makausap ng matino ah. Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi?" Magkakasunod na tanong ni Mama sa akin habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin. Habang ginagawa niya ang pagsasalita, kasabay din noon ang pagmumustra niya sa akin na iabot ang isang pinggan na may nakalagay na ilan piraso ng piniritong itlog.

"O-- okay lang po ako Mama, medyo late lang din po akong nakatulog kagabi dahil may mga tinapos pa po akong requirements na ipapasa para sa papasukan kong trabaho," pagpapaliwanag na tugon ko kay Mama.

Ang totoo, nanaginip din ako. Sapat naman sa tingin ko ang naging tulog ko kagabi dahil maaga akong nahiga sa kama ko pero naalimpungatan na lang ako nang dahil sa isang panaginip. Halos magmamadaling-araw na iyon at nang dahil sa panaginip na iyon, hindi ko na naituloy ang pagtulog ko.

"Ganoon ba Anak! Kailan ka ba magpapasa at saan o anong trabaho ba ang aaplayan mo?" Muling pagtatanong sa akin ni Mama.

"Ngayon araw din po Mama. Personal Assistant sa isang napakalaki at kilalang kumpanya rito sa Makati. Alam ninyo po iyong kumpanyang Feliza Joshefa Ayala Jewelry Line Corporation?" masiglang sagot ko kay Mama.

"Oo naman Anak! Hindi ba, sila iyon nagmamay-ari ng ilan branches ng Jewelry Shops dito sa Makati at sa ibang bahagi ng Maynila? Kahit sa ibang bansa ay may malalaking branches sila ng Land of Precious Stones. May iba pang mga negosyo silang pagmamay-ari bukod sa mga Jewelry Shops kagaya nga ng Hotel de Amor, Don Pepito Food Jungle Restaurant at Bambina Fashions."

"Ang alam ko, Share Holders lang sila sa negosyong kainan at iyon hotel. Iyon Bambina Fashions naman ay halos nag-uumpisa pa lang ito pero nakikilala na rin pati sa ibang bansa. Ang alam ko ang pinakanegosyo talaga nila ay iyon Jewelry Line na nakapangalan sa namayapang asawa ni Don Pepito Ayala." May kahabaan pagsasaad ni Mama habang matamang nakikinig ako sa kanya. Namangha ako sa mga sinasabi ni Mama kaya hindi ko namalayan na bahagyang nakanganga na pala ang bibig ko, kung hindi pa isinubo ni Mama sa bibig ko ang kapirasong hiwa ng hotdog ay hindi ko maiisara ang akin bibig.

"O, Anak, bakit parang gulat na gulat ka na may alam ako sa kumpanyang iyon?" usisa ni Mama sa akin.

"Ahh, hindi naman po Mama," sagot ko sa Mama ko habang ngumunguya.

"Nagulat lang po ako kasi mas marami ang alam ninyo kaysa sa nalalaman ko." Muling sagot ko kay Mama habang bahagyang nakangisi at napapakamot sa ulo ko.

"Kasi naman Anak, simula nang breakup ninyo ng nobyo mo este ex mong si James, nagkulong ka na sa kuwarto mo."

"Wala ka nang naging balita sa mga nangyayari sa paligid mo."

"Hindi ka man lang lumalabas para mamasyal, makipagkaibigan o makipag-date man lang sa mga kaedad mo."

"Hanggang ngayon ba, siya pa rin ang nandiyan sa puso mo?" seryosong tanong sa akin ni Mama habang matamang nakatitig sa mga mata ko. Iniiwasan ko naman na maluha dahil kahit paano may katotohanan ang sinabi ni Mama.

Si Mama naman kasi, wala naman koneksiyon kay James kung bakit wala akong gaanong alam sa kumpanyang aaplayan ko.

Okay, fine, aaminin ko na nga! Akala ko kasi si James na iyong Prinsepeng hinihintay ko. Mababaw o childish man pakinggan pero naniwala ako sa Fairytale happy ending at forever. Pero sa kasamaan palad, iniwan niya ako nang hindi man lang sinasabi ang totoong dahilan nang pag-alis niya sa buhay ko.

Noon madalas ko siyang makita at makasalubong pero sa tuwing tatangkain kong lumapit sa kanya para magtanong kung ano ang naging problema at bakit ayaw na niya akong makasama, iniiwasan niya ako at ipinaparamdam niya sa akin na para bang hindi ako dumating o naging bahagi nang kanyang buhay. Hanggang sa dumating sa desisyon na pakawalan na siya at hayaan na lang siya na gawin ang mga bagay na magpapasaya sa kanya.

Masakit sa part ko sapagkat high school pa lang kami nang maging magkasintahan. Oo bata pa lang kami noon pero may disiplina naman o kontrol kami sa sarili at hindi namin ginagawa ang mga bagay na hindi pa dapat gawin lalo na at wala pa kami sa tamang edad. Pero akala ko pagkatapos namin makagraduate sa College, sabay at magkasama pa rin namin tutuparin ang amin mga pangarap na binuo, kaya lang nagising na lang ako isang araw at nalaman na ayaw na niya akong makasama o maging parte ng hinaharap niya.

Naramdaman ko na lamang na may yumapos sa akin mula sa likuran ko. Naramdaman ko rin na unti-unti na palang tumutulo ang mga luha sa akin pisngi.

Dalawang beses na pala. Dalawang beses na akong iniwan ng mga taong pinahalagaan at minahal ko.

"Shhh, tahan na Anak! Sorry, alam kong masakit pa rin para sa iyo ang nangyaring paghihiwalay ninyo. Pero kailangan mong kayanin ang mamuhay nang hindi na siya kasama. Anak, marami ka pa naman makikilalang mas higit sa kanya."

"Tama na iyan, hindi ba may pupuntahan ka pa ngayon? Kumain ka nang marami para may energy ka kapag nagpunta sa kumpanyang aaplayan mo." Pag-aalo ni Mama sa akin habang hinahaplos niya ang mahaba kong buhok.

"Opo Mama! Thank you and I love you Mama!" tugon ko kay Mama sabay ngiti sa kanya. Pinahid ko rin ang mga luha sa akin pisngi.

"O siya kain na. Marami kang pagpipilian. May ham and bacon. Itlog o hotdog. May sinangag o kaya sinaing na kanin diyan. Kain na para makapaghanda ka na." Pagmumustra ni Mama habang binabanggit isa-isa ang mga pagkain na pang-almusal.

«»«»«»«»«»

"Good luck Anak! Kaya mo iyan! Smile lang hah," saad ni Mama habang nakangiti ito kaya napangiti na rin ako kahit nakakaramdam na ako ng kaba. Parang may naghahabulang mga daga sa dibdib ko sa sobrang kaba.

Ito ang unang pagkakataon kong mag-apply sa isang kumpanya. Bakit?

Oo, matagal na akong nakagraduate sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Dapat matagal na akong nagtatrabaho pero dahil nga sa nangyari sa pagitan namin ni James kaya nawalan ako ng gana sa buhay. Alam kong isang malaking katangahan iyon naging asal ko. Pero ngayon pinapangako ko sa sarili ko na babawi ako. Babangon ako mula sa akin pagkakadapa. Ano ngayon kung wala na siya? Hindi na ako dapat manghinayang sapagkat hindi naman ako ang mawawalan, Siya!

Kaya ko ito! Fight!

«»«»«»«»«»

Woah! Ganito palang pakiramdam kapag matagal nang hindi nakakalabas sa lungga. Nakakalula.

Nasa Makati ako ngayon. Sa Makati Central Business District kung saan isa ang kumpanyang aaplayan ko ay nakapuwesto ang building. Alam ko naman sa bawat araw ay napakaraming tao sa lugar na ito ngunit dahil matagal din akong namalagi sa loob ng amin bahay kung kaya't nakakaramdam ako nang pagkailang. Parang sa pakiramdam ko ay isa akong Alien mula sa ibang Planeta. Nangangapa at pinakikiramdaman ang buong paligid.

Ano ba Monica? Iyan ka na naman. Kaya mo iyan! Kailangan mo nang pagbabago at itong araw na ito ang pagsisimula.

"Pigilan ninyo ang lalaking iyan. Magnanakaw siya!"

"Tumabi ka riyan!"

Nakarinig ako ng singhal pero bago ko pa matingnan o malaman kung sino ang suminghal ay naramdaman ko na lamang na tila may malakas na puwersa ang tumama sa likuran ko dahilan upang mawalan ako ng panimbang at mapasubsob sa lupa.

"A-- aray!"

"Naku po! Iyon babae!" Mga naririnig kong sambit ng mga tao sa akin paligid. Naramdaman ko rin na tila mahapdi ang akin mukha kaya naman napahawak ako sa may bandang pisngi at nakita ko sa aking mga daliri ang tila bahid ng dugo. Naramdaman ko rin ang bahagyang pamamanhid ng mga braso ko dahil tila kumaskas ito sa isang magaspang na bagay.

"A-ano bang nangyari? Ang-- ang sakit ng mga braso ko at pisngi. Ano ba iyon bumangga sa akin?" saad ko pero tila bumubulong ako habang sinasabi iyon.

"Hey, Miss! Ayos ka lang ba?" Baritonong boses ang nakaagaw pansin sa atensiyon ko kaya naman napalingon ako at nakita ang isang bulto ng katawan.

Nakasuot ito ng tila isang business suit. Nais ko sanang tingnan kung sino ang nasa harapan ko ngayon subalit bigla akong nakaramdam ng hilo.

"Miss, mukhang hindi ka okay. Dadalhin na kita sa hospital." Muli kong narinig ang boses ng taong nasa harapan ko. Tututol na sana ako kaya lang naramdaman ko na lang na tila kinarga niya ako mala-bridal style kaya kahit gusto kong tumanggi ay hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya.

"Ang bango mo! Parang pamilyar sa akin ang amoy mo. Para kang si---" mahinang usal ko. Gusto ko sana na tingnan kung sino ang taong kumakarga sa akin kaya nga lang hindi ko na kinaya ang nararamdaman pagkahilo. Unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan nang dumilim ang paligid ko.

23 de Abril de 2021 a las 01:41 0 Reporte Insertar Seguir historia
0
Leer el siguiente capítulo Chapter 02

Comenta algo

Publica!
No hay comentarios aún. ¡Conviértete en el primero en decir algo!
~

¿Estás disfrutando la lectura?

¡Hey! Todavía hay 14 otros capítulos en esta historia.
Para seguir leyendo, por favor regístrate o inicia sesión. ¡Gratis!


o usa la forma tradicional de iniciar sesión