Back To Me Follow story

areezz_sy Areezz Sy

Maibabalik pa ba ang dating samahan at pag-iibigan kung pareho ninyo nang tinapos ang ugnayan n'yo dahil may mga pangyayaring sobrang nakasakit ng iyong damdamin? Paano kung may mga bagay na sa halip na bigyang paliwanag ay piniling isantabi muna dahil may mas dapat na unahin kaysa pag-iibigan n'yong dalawa? Atin pong subaybayan ang kwento nina Aldrin Lee Lopez at Chloe Shei Angeles. Muli kaya silang bumalik sa piling ng isa't-isa upang dugtungan ang pag-ibig na naudlot dahil sa kagagawan ng iba?


Romance Erotic For over 21 (adults) only.

#erotic #258 #back #again #lee #shei #tagalog #hurt #love #filipino
1
4072 VIEWS
In progress
reading time
AA Share

Chapter 1


"Iiiiiiihhhhhh, Bez gisinggg!" isang malakas na tili ang gumising sa akin gawa ng napakabait kong bff na si Sabrina Kaye Alvarez. Jusko, nabasag na yata ang eardrums ko sa lakas ng boses niya! Walang patawad sa taong masarap ang tulog!


Ngunit hindi ko naman siya masisisi dahil eversince na ipinanganak yata kami sa mundo eh halos kulang na lang magdikit ang aming mga bituka just to say how much we’ve close to each other.


Since grade school pa lamang kami hanggang maka-graduate ng college ay mas lalo pang tumibay ang pagkakaibigan naming dalawa. Iisa ang hilig, paborito at panlasa. Halos sa ugali man ay hindi rin nagkakaiba.


Maliban na lang kung usaping puso ang pag-uusapan, d’yan kami walang pakialamanan!


Pagbali-baliktarin man ang aming mundo, magkaiba pa rin ang tibok ng aming puso. Kailan man hindi magiging problema ang lovelife ’coz we’ll never assume to be involve in love triangle. We respect our private matter and never namin naisip na darating kami sa point na pag-aawayan namin ang tungkol dito.


We treated ourselves like a real or twin sisters. We love each other damn much! At sa sobrang close, at home na kami sa bahay ng isa’t-isa.


Like today, nambubulabog siya sa kasarapan ng aking pagtulog! Nauna pa siyang manggising sa alarm clock kong naka-set upang tumunog!


"Bangon na d’yan Bez, daliii! Malalate tayo, ano ka ba?" sabay hila sa kumot kong maganda ang pagkakabalot sa aking katawan.


"Bez, ano ba? Napakaaga pa! Nauna ka pa nga sa alarm clock ko, susme! Wala na bang chance na tanghaliin ang manok sa unang pagputak niya?" reklamo ko kay Sab habang naghihikab pa.


"Bez, bawal ma-late! First day of work tapos gan’yan ka? Bawal ang babagal-bagal ang kilos baka hindi na natin abutan ang ip*t ng manok na sinasabi mo. Early birds catches the worm, so gora na! Go go go bangon na at maligo ka na!" sabay hila sa akin pabangon sa kama at hinatak pa ako papunta sa banyo.


"Aww, dahan-dahan. Kaya ko naman na eh! Gusto mo paliguan mo na rin ako para sulit panggigising mo? Wacha think Bez, hmmn?" biro ko sa kaniya na tataas-taas pa ang kilay.


"Ahahaha! Bwisit na ’to, gusto mo pa akong abusuhin Bez, huh? Nyek nyek mo! Ano ako caregiver mo? Papaalila sa’yo? Nah, magtiis ka na lang na bumaho! Ba’la ka d’yan!" sagot naman niyang kunwari ay napipikon.


"Hahaha, masyado! Laglagan na pala, huh! W-wait Bez--- dahan-dahan! Excited much ka eh! Maaga pa naman kasi talaga!" reklamo ko habang itinutulak ako papasok sa loob ng banyo.


"Shuuu! Bilis na dami pa sinasabi eh," pagtataboy niya at wala na akong nagawa kundi sundin at magsimula na upang maligo.


Samantala, ilang minuto pa lang ang lumilipas nang marinig ko ang boses niya mula sa labas--- "Bez, sa ibaba na lang kita hihintayin, huh? Bilisan mo at baka mainip ako, iwan pa kita d’yan," paalam nito.


"Huuu, Oo na, sige, as if naman na kaya mo, hahaha!" sagot ko naman at tinawanan siya.


"Tse! Bilisan mo na, dami pa sinasabi eh," sagot niya at narinig ko ang pagbukas ng pinto tanda na lumabas na nga ito.


Nang matapos sa paliligo, lumabas na ’ko sa banyo at agad na kumuha ng damit sa wardrobe saka pumili ng isusuot.


Dahil sa natural ang pagiging maganda, hindi ko na kailangan pa ng maraming make-up or kolorete sa mukha. Simpleng pahid ng liquid foundation, chick tint at manipis na lipstick lang sa labi ay sapat na.


Nang makitang ayos na ang aking itsura, agad na akong tumayo upang sipatin naman ang damit kong suot sa isang full length mirror na nakasabit sa wall.


At hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, hindi ako mahirap bihisan. Sadyang nabiyayaan lang ako ng magandang hubog ng katawan, biniyayaan ng malaking future, makinis, maputi at tila ba’y kulay gatas ang kutis kaya hindi maikakailang mala-Diyosa ang angking ganda! Tse! Huwag na kayong kumontra! Sadyang magaan lang talaga ang bangko na hawak ko at keri’ng keri ko itong buhatin. At isa pa, kwento ko ’to, kaya h ’wag kayong ano! Hahaha, peace yow!


Matapos makita nang maayos ang aking sarili sa harapan ng salamin, nagmadali na akong lumabas ng aking silid at baka mainip na si Bez, magalit pa sa akin!


Pagbaba ko sa hagdan, nakapagtatakang wala akong inabutang Sabrina sa living area.


Hanggang sa may marinig akong tawanan mula sa kusina. Agad akong pumasok roon at napapailing na lang nang makitang kumakain na siya ng breakfast habang nakikipagkwentuhan kay Mommy.


"Oh, nandyan ka na pala, Shei! Halika na sabayan mo na sa pagkain ’tong si Sab, maupo ka na sa tabi niya," utos ni Mommy nang makita niya ’kong palapit sa kitchen counter.


"Ayos ka rin Bez, dumayo ka pa talaga magbreakfast dito, huh? Walang nagluto sa inyo!" pang-iinis ko sa kaniya ngunit hindi ito agad sumagot. Sa halip ay kumuha pa ito ng itlog at hotdog saka inilagay sa kaniyang plato. At hindi pa nasiyahan, kumuha din siya ng sandwich sabay subo. Nang malunok, saka siya tumawa nang malakas. Tsss, late reaction lang? Gano’n?


"Hahaha! Ano ka ba Bez, ’di ka pa nasanay! Mas masarap kayang kumain ’pag may kasabay! Halika na. Eat your breakfast bago tayo gumorabels sa opisina. Mahirap magtrabaho kapag walang laman ang tiyan, ’di ba tita?" sabi niya at idinamay pa ang aking ina.


"Oo na, pumapalusot epek ka pa d’yan. Wala naman bago sa sagot mo! Sige pa, kain pa at baka kulangin pa ’yan," nangingiwi at napapailing namang sagot ko.


Natatawa na lang si mommy sa paminsan-minsang bangayan naming magkaibigan. Pero alam naming hanggang gan’on lang ’yon dahil sanay na kami sa pikunang walang pikon.


At dahil pareho kaming only child ng mga parents namin dagdag pa na magkaibigang matalik din ang aming mga magulang, sa isang malaking telecommunication company kami magsisimulang magtrabaho. Ang mga ama namin ang siyang partner at founder ng kabuhayang namulatan namin. But my Daddy is the only CEO of the Global company.


Kahit na pareho kaming anak ng company owner, hindi kami pinalaking spoiled at brat in both parties. Because they shaped us how to work, appreciate and learn how to be act as respected people not only to the business world but to grow as a matured citizen around the globe. Kaya nga kailangang mapatunayan din namin ang sarili kung paano maghandle ng trabaho at para na rin matutong gamitin ang aming  mga pinag-aralan. Para na rin sa ikauunlad ng future ng aming kumpanya.


At ngayong first day naming dalawa, handa na pareho ang bago naming opisina. Sigurado na ang pagiging busy namin ngayong maghapon.


Well, goodluck na lang sa aming dalawa!


**********


10 minutes before 5:00 pm, inayos ko na ang aking table para makapag-prepare na pauwi. Matapos ang mahabang araw, atlast makakapag-pahinga na rin! So I went out from my office at naglakad na sa hallway. Until I saw my bff na palabas na rin sa opisina niya.


"Bez, oh em! First day pa lang but it feels so much terrible! Ang sakit sa mata magbasa ng mga paper works! Grabe, lakas maka-stress!" reklamo ni Bez. "Ikaw, kumusta naman?" dagdad na anito.


"Ayy naku, sinabi mo pa! Wala eh, kailangan natin gawin ’yon! As if naman na may choice pa tayo!" sagot ko at napapahilot sa batok ko.


"Bez, what if--- bago tayo umuwi, daan muna tayo sa resto ni Jim?" banggit sa gay friend namin. "Let’s eat muna, sobrang nakakapagod talaga ang araw na ’to, nakakagutom pa!"


"Sure, no prob! Pati tiyan ko na-stress na rin, mas mabuti nga sigurong kumain muna bago umuwi para pagdating sa bahay, plakda na lang sa kama, right?" pagsang-ayon ko.


"Hahaha, yow right!" then she answered.


10 minutes lang naman ang travel mula sa company patungong Jim’s restaurant. Matapos makapag-park ng kotse, pumasok na kami agad sa loob.


Then Jim saw us at the entrance and suddenly approached us.

Matangkad, chinito at gawapo din itong si Jim. Iyon nga lang hindi siya ipinanganak para maging lalaki kundi maging isang bina-bae. (Sayang ang lahi!) But still, he’s the one of our closest friend. Dagdagan pa na siya ang pinakamasarap magluto sa aming magkakaibigan. At hindi maitatanggi ito dahil nakadikit sa kaniya ang pangalan ng restaurant na pag-aari ng kaniyang magulang.


"Mga Beztieeee---" tili ng gwapong baklita at bumeso sa’min ni Sab ora-mismong makalapit siya at mabilis kaming iginiya nito palapit sa bakanteng mesa.


"How’s your day, mga Beztie? How’s your work?" nakangiting tanong niya.


"Naku heto! Tired ang utak at katawang lupa! Pa-order, Beztie, tomgutz na talaga!" sagot agad ni Sab sabay upo sa table na pang four seater.


Naupo din kami ni Jim at tinawag niya ang isa sa mga staff niya. At mabilis na kinuha ang order namin. Pag-alis ng waitress, nagsimula na ang chikahan tungkol sa mga bagay-bagay na aming pinagkaabalahan.


Maya-maya pa ay dumating na ang pagkain at inihain.


"Ahm--- mga Beztie, may news nga pala ko," saglit kaming napatingin at nagkibit-balikat sa itinuran ni bakla at muling ipinagpatuloy ang pagsubo.


"Si Lee bumalik na from US."


Umiinom ako ng tubig nang biglang maibuga ko ito.


Diyos ko! Muntik na sa mukha ni bakla! Pa’no ang gagawin ko? Eh sa nabigla talaga ako ng husto! Sorry naman!


"Aww Beztie! Hindi ka naman masyadong nagulat, huh? Balak mo ba akong paliguan? Naligo na ’ko kanina no!" hindi napigilang sambit ni Jim at pinagpag ang sleeve nito na medyo natilansikan ko.


"Sorry na, hindi ko naman sinasadya!" maiksing tugon ko.


"Ano? Si Aldrin Lee Lopez na EX ni Bez, nakabalik na?" nanlalaki ang mga matang biglang sabad ni Bez.


Napangiwi naman ako sa itinuran niya. Iyon talaga ang pakilala niya, huh? Ganda, hmmp!


"Yup!" mabilis na sagot rin ni Jim na tumangu-tango pa.


"And take note--- super duper gwapo niya at grabe hunk na hunk na ang lolo nyo! Ang mga muscles--- hmmmn! Yummy at ang absssss--- aw! Sure na sure, pak na pak at ganern na ganern ’yon mga Bestieeeee! Pandesal na, ulam pa!" hala siya, kinikilig ang bakla.


"Ahh peste! Mas kinikilig ka pa kaysa kay Bez, ah! Mabalik tayo, kailan pa siya nakabalik?" muling ani Sab.


"Last week lang. Dumaan nga siya dito para maglunch eh. At isa pa alam niyo ba, wala pa siyang asawa!"


Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito. Paki ko naman! Ngunit hindi pa rin ako umimik at nakikinig lang sa kwentuhan nila. Mahirap na, hindi ko alam kung saan ako eentrada.


"So, walang asawa pero may gf?" tanong ni Sab.


"Ah well, ’di ako sure d’yan, hindi ko masasagot iyan. Pero hindi bale, kapag nakita ko ulit, itatanong ko ang tungkol d’yan, hehehe" kibit-balikat na tawa ni Jim.


Hmn! Kulang ang details! Bulong ko sa isip ngunit hindi ko isinatinig. As if naman na may paki talaga ako! Hmmp! Walang kamatayang ismid.


"Tapos ’pag tinanong niya kung bakit naitanong ko, ang isasagot ko eh--- utos ni Beztie Shei, hahaha!" dugtong nito sabay hagalpak ulit ng tawa na may chorus pa ni Bez.


Mga bwisit, ako na ang trip nila! Pero isang matalim na irap ang itinapon ko sa dalawa sa halip na harshly words ang isagot ko. Baka sabihin super duper affected ako sa kwentong pambihira nila! Nakakalowka!


"Ahahaha, mamaya mapaiyak mo si Bez. Kaya huwag kang magulo, may nananariwa, ahahaha!" sabay lingon ni Sab sa gawi ko at sabay tanong--- "Bez, okay ka lang ba?"


"H-hah?" Tang*na nautal pa!


"O-oo, oo naman, Bez! Ano ka ba? Big deal ba ’yon? Past is past na tayo d’yan, ’di ba?" sagot ko at pilit na ikinukubli ang pamumula ng aking mukha.


"Wui Bez, wala naman akong sinasabi ah! Affected ka ba masyado sa pagbabalik ni Lee? Hahaha, don’t worry kami lang naman ang nakakaalam," ngising sambit niya sa akin.


Napanguso na lamang ako! Alam naman ng dalawang kaibigan ko ang nangyari sa amin ni Lee two years ago, pero trip lang talaga nilang asarin ako! But I decided to shut my mouth off. Iyon ang mas alam kong makabubuti para sa akin ngayon. Dahil sa loob ng dalawang taon na lumipas, sariwa pa rin ang nangyari at hanggang ngayon ay may sakit pa rin dito sa aking dibdib! Ang sakit na idinulot ng ex-boyfriend ko na pumilat sa puso ko!


Matapos ng ilan pang kwentuhan, nagpasya na kaming umuwing dalawa. Hinatid ko muna si Bez sa bahay niya dahil wala itong dalang kotse dahil coding ang plate number nito. Labinlimang minuto din ang travel mula sa bahay nila bago ako makauwi sa mismong bahay namin.


Pagpasok pa lamang sa malaking pintuan, bumungad agad ang mommy ko na naghihintay sa pagdating ko.


Maybe she’s not a typical fulltime housewife but a supermom for us. Mayroon man sariling malaking fashion boutique and salon, mapa-hands on man sa negosyo but yet she knows how to set her time just to bring her family to the top of her priority. Time management lang ’ika niya.


"Hi Sweety, how’s your work?" Bungad na anito.


"Aww! Mommy, sobrang nakakapagod po!"


"Okay lang ’yan, Sweety, first day pa lang naman. Masasanay ka rin!"


"Yeah, right Mom! And I hope so!" tanging sagot ko.


"Okay, go upstairs na, magpahinga ka muna or do you want something to eat?" she asked.


"No, Mom. Kumain na po ako with Sab at Jim’s restaurant," I answered at akma nang aakyat paitaas.


"Okay, sige magpahinga ka na. Bumaba ka na lang ’pag nakaramdam ka na ng gutom ulit," bilin ni mommy.


"Yes, Mom," kumilos na ako para umakyat diretso sa room ko. Pumasok ako sa banyo and I have to take a bath para ma-refresh naman ang sarili ko.


After that, pabagsak kong inihiga sa kama ang pagal na katawan at napapabuntong-hininga sa kawalan. Kahit inaantok na ay ’di ko pa rin makuhang makatulog kahit pa nakapikit na ang aking mga mata.


Hindi ako nakatiis, bahagya akong bumangon sa kama at kinuha ang phone ko mula sa mesang nasa gilid ng aking higaan. Binuksan, in-open ang gallery at tiningnan ang mga pictures na laman nito. Sa huling pag-swipe, lumabas ang picture ko kasama ni ex-bf. Muli na namang bumalot sa aking sistema ang lungkot at sakit nang maalala ang mga araw na lumipas. Ayoko na sanang alalahanin pa pero bakit ba hindi ko maintindihan ang sarili  kung bakit ’di ko pa rin siya makalimutan! Dagdag pa na ayaw kong burahin ang mga pictures naming dalawa. Parang tanga tuloy ako at tino-torture ang sarili sa pagka-balisa!


Marahil siya kasi ang first and last bf ko! Kaya iba ang effect niya sa akin kapag siya na ang napag-uusapan!


Ginusto ko namang magmove-on pero heto talaga ako! Kahit nasaktan na, patuloy pa rin siyang minamahal! Kahit sinasabi na ng utak kong tama na at huwag na!


Para hindi na rin masyadong mapasakitan pa ang sarili, ibinalik ko na sa bedside table ang cellphone ko. Ipinikit muli ang mga mata at pinilit nang makatulog. Sa wakas... unti-unti na rin akong iginugupo ng antok at pagod.


Kinabukasan, pagtunog ng alarm clock, bumangon na ako para mag-prepare na sa pagpasok muli sa office.


Salamat naman, walang bestfriend na maingay at istorbo sa tulog kong humigit yata ng walong oras ang itinagal. "Hmn, today is another day!" sambit ko habang nag-iinat at nangingiti sa sarili. Infairness, naging masarap talaga at mahimbing ang tulog ko kaya hindi nakapagtatakang full of energy ang lola niyo! Saglit pa’y inabala ko na ang sarili sa paghahanda sa pagpasok muli sa opisina. Pero pasasaan ba’t masasanay rin kami sa magiging everyday routine naming ito.


Matuling lumipas ang dalawang linggo at unti-unti na nga kaming nasasanay sa trabaho. Habang tutok ang aking mga mata sa mga papel na nasa aking harapan, isang katok mula sa pinto ng office ko ang pumukaw sa akin. "Come in," sagot ko.


"Hey Bez, ’di mo naman sinabi na gusto mong mag o.t?"


Napalingon ako sa kaniya at tumingin sa wristwatch kong suot, "Ahh, hindi! Nalibang lang ako. Hindii ko napansin ’yung oras. Wait, ayusin ko lang ’to,"  sabi ko sabay linis at ligpit sa mga papers na nasa ibabaw ng aking mesa. Pagkatapos, sarili ko naman ang mabilis kong inatupag para hindi mainip si Bez na nakataas ang isang kilay.


"Konting retouch lang, Bez, baka sumobra ka na nang ganda niyan! Balikan ka ng jowa mo!" biro ng NAPAKAbait kong bff kasabay ang mapanukso nitong ngisi.


"Pam’wiset ka talaga, Bez! No need naman nga kung tutuosin eh! Mukha na akong Diyosa at alam mong maraming umaaligid d’yan, pero ’di ko pinapansin!"


"Hahaha! Napipikon na naman ang diyosang maganda! Tara na, dalian mo na d’yan, Bez," tatawa-tawang yaya na niya sa akin pero hindi pa rin maalis ang ngising nakapaskil sa kaniyang labi. isang matalim na irap naman ang naging tugon ko.


Pagkatapos masigurong okay na ang itsura ko sa salamin ng face powder, ibinalik ko na ito sa bag at lumakad na papunta sa pinto. Nauna si Sab kasunod ako. At dahil pareho kaming may dalang sasakyan,  nagconvoy na lang kami habang binabagtas ang daan pauwi.


Maya-maya pa tumunog ang phone ko hudyat na may tumatawag. Nagregister sa screen ang name ni bff kaya sinagot ko ito agad.


"Bez, daan tayo sa resto ni bakla, nagugutom ako eh, hehehe!" tatawa-tawang aniya sa kabilang linya.


Umandar na naman ang anaconda niya sa tiyan. "Okay sige, Bez!" maiksi kong sagot dahil kahit tumanggi ako, hindi rin naman siya papayag.


Naunang nakapagpark si Bez. Sinenyasan ko siyang mauna na sa loob para makakuha ng uupuan. Susunod na lang ako dahil nagmamaniobra pa naman ako sa huling slot ng parking lot. Tumango naman siya at agad na tumalima papasok sa loob.


Nang makababa sa kotse, pinindot ko na ang keylock button nito. Dire-diretso ako nang lakad at hindi man lang magawang tumingin sa nilalakaran.


Abala ako sa paglalagay ng susi sa aking bag nang biglang---


"Aaawww!" bigla ang pag-bangga ko sa isang animo’y pader at awtomatikong napapikit ang aking mga mata nang maramdaman ang pagka-out balance ng aking katawan!


Hilo ang lumukob sa aking pagkagulat!


Hinintay ko na lamang ang aking pagbagsak dahil hindi ko na makontrol ang aking katawan. Ngunit minuto na ang lumipas, hindi ko naramdaman ang pagsayad ng aking balat sa lupa!


Huli na nang mapagtanto kong TAO ang nakabangga ko!


Nakahawak na ito sa aking likod at ang isang kamay ay dama kong nakapulupot sa aking baywang.


Pagdilat, nanlaki ang aking mga mata! Isang pamilyar na mukha ang aking nakita!


At sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa’t-isa, halos mahalikan na niya ang labi ko. "Ow Em Gi!" naiusal ko lamang sa aking sarili, tuluyan nang napaawang ang aking labi at napatulala nang mapagsino ang lalaking nakayakap sa akin!


Hindi ako maaaring magkamali!


"Siya nga! Siya si--- Oh, God! Siya si---"


Oct. 10, 2018, 3:59 p.m. 0 Report Embed 1
Read next chapter Chapter 2

Comment something

Post!
No comments yet. Be the first to say something!
~

Are you enjoying the reading?

Hey! There are still 1 chapters left on this story.
To continue reading, please sign up or log in. For free!