Hindi ko naman hiniling ang lahat, I mean hindi ko hiniling na magkaroon ang mga magulang ko ng karangyaaan at kayamanan, Hindi ko rin naman hiniling na maibigay nila ang lahat ng meron sila sakin at mas lalo naman hindi ko hiniling na masaktan ako ng sobra na tila ka madudurog at unti unti kang nilukukot na parang papel.
Say totoo lang ayaw ko naman na talaga ang magmahal pero kapag hindi sinang-ayunan ng pusong nangliligalig ika'y mapapasubok parin
Gaya nga ng sinabi ko hindi ko naman hiniling ang lahat basta ba may magulang, Mga kaibigan at iisang taong tatanggap kung sino at ano ako at hindi ako huhusgahan sa nga pagkakamali at mga disappointment ko sa buhay kontento at masaya na ako roon
Pero mangyayare yun? Kung lahat ng tao natatakot kapag ako ang kasalubong lahat ng tao ay hindi maialis ang kanilang mata sa akin gaya nalang ngayon kanina pa nakatanga ang mga kaibigan ko sakin na tila naghihintay ng maisasagot ko sa kanila
Bakit ba? para kayong mga engot diyan ano gandang-ganda lang? Iritadang sambit ni Catalina sa kaibigan nitong si Inara
Kilala ko na yang mga galawan na yan, Tatahi-tahimik ka tapos ano magugulat nalang kami tatawag si Tita Solara dahil ano? kase dinala ka sa hospital bakit daw? kase naglaslas ka. Dugtong-dugtong sambit ni Inara na ikinailing ni Catalina dahil sa pagkamangha ng galawang ng utak nito
Alam mo sa totoo lang hindi ko alam kung saan ka nakakuha ng ganyang utak dahil kung sino man ang meron pang ganyan sisiguraduhin kong dadanak yung utak niya pababa sa sahig. Banta ni Catalina naikinatahimik naman ni Inara
Parang hindi ka pa nasanay sa taong yan kung yung kwento nga kaya niyang pagdugtong-dugtungin baka magulat ka nalang kaya na niyang paikutin ang buong mundo sa kamay niya.Ani ni Maeve na dederetsong pumasok sa bahay nito
Akala ko ba malate ka ng uwi?Hindi ba sabi mo magdate pa kayo ni Lycee, Oh anong nangyare? Kuryosidad na tanong ni Catalina sa kaibigan na ikinairap naman nito
Kung tuloy yun, Sa tingin mo ba nandirito ako? At sa tingin mo ba hindi ko kasa-kasama yun sa tuwing pagkatapos ng mg date na min dito na ang deretso, Magtaka na kayo kapag hindi ko kasama. Pamimiloso nito na ikinatayo ni Catalina at pinamaywangan pa ang kaniyang kaibigan
Kaya ka nga namin tinatanong dahil nakakapagtaka naman na hindi mo kasama yun. Ani ni Catalina na napakapit pa sa kaniyang baba
Nakita ko siya kanina, Kasama niya yung boy bestfriend niya ata naghintay ako ng ilang oras kahit nandun na ako sa restaurant sa sulok at paulit-ulit ko siyang tinatawagan, Paulit-ulit niya rin pinapatay ang tawag ko actually hindi naman masakit pero nung nakita ng dalawang mata ko hinubad nung lalaki yung necklace na binigay ko sa kaniya at pinalitan ng bago dun na ako umalis. Kwento nito na ikinatahimik nila Catalina at Inara
Kung ako ang tatanungin mo hindi na bago sakin yan! nakita ko na sila dati pa hindi ko lang sinabi sayo dahil after all kaibigan at kinakapatid na kita at kahit masakit sakin pinilit kong manahimik dahil alam ko wala akong karapatan at dahil alam ko mahal mo siya nung araw na nakita ko sila gusto ko siyang sabunutan siya at sipain naman yung lalaki
Dahil sa panggagago nila sayo pero hindi ko paren ginawa dahil alam ko kapag may isang mali na desisyon ako ang laging nasisi hinayaan ko yun dahil akala ko ititigil nila pero nagkamali ako.Ani pa nito tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha sa mata ni Maeve na hindi nito namamalayan
Ngayon ko lang napagkasunod-sunod kaya pala kapag nandito si Lycee gustong-gusto mo na ako yayain pauwi dahil may alam ka pala at lagi mong sinasalungat yung mga gusto niya at ang nakakahalata kase dun lagi mo siya sinusungitan kahit pa anong pakisama niya sayo.Turan ni Inara na ikinabaling naman nito
Hindi mo rin ako masisisi kung bakit hirap ako pagkatiwalaan siya dahil bukod sa may nalaman ako ayoko na talaga sa ugali niya.Antipatikong sambit ni Catalina
Ikaw tigilan mo ang kakaiyak diyan kumuha ka ng baso lagyan mo ng wine at lagukin mo kung gusto mo pa wag mong aksayahin yung mga tao o miski bagay na alam mong sa dulo iiwan ka rin wag ka nang gumaya sakin at wag mo na rin gayahin yung estado na meron ako sa ngayon
Thank you for reading!
We can keep Inkspired for free by displaying Ads to our visitors. Please, support us by whitelisting or deactivating the AdBlocker.
After doing it, please reload the website to continue using Inkspired normally.